nandito ka
Ibalik ang iyong Dating Ganda: Buhaghag na Buhok Tips Tips Para Gumanda 

Ibalik ang iyong Dating Ganda: Buhaghag na Buhok Tips

Ang ating buhok ay isa sa mga nagdadala ng kabuuan ng ating hitsura at pagkatao. Napakarami ng mga nagsusulputang mga shampoo, conditioner, treatment, at mga beauty salon kung saan ay pinapangakuan tayo ng magandang resulta.

Kahit sino sa atin ay gusto ng maganda at malusog na buhok hindi lamang para sa kagandahang anyo kundi para sa kalinisan at kalusugan.

Dahil sa mas umiinit na panahon at dahil sa mas maduming kapaligiran, kung kaya’t ang ating buhok ay madaling nabubuhaghag at nagiging marupok.

Malaki na rin ang naitulong ng teknolohiya sa pagpapaganda ng buhok o buhaghag hair treatment ngunit ang kapalit nito ay malaking halaga at pansamantala lamang na epekto.

Ano ba ang tamang buhaghag na buhok treatment?

Dapat din nating itanong sa ating sarili : “Tama baa ng paraan ng pag-aalaga ko sa aking buhok?” Baka hindi natin alam na sa mga nakagawian nating paraan sa pag-aalaga ng ating buhok ay isang malaking kamalian pala. Imbes na mas gumanda ang ating buhok, nakakasira pala ito. Narito ang ilang tips upang maibalik sa kaayusan ang iyong buhaghag na buhok.

Bawasan ang paggamit ng shampoo

Ang paggamit ng shampoo tuwing naliligo ay isa sa mga dahilan kung kaya’t natutuyot ang buhok at nagiging buhaghag kapag tuyo na. Kasabay kasi sa paggamit natin ng shampoo ay ang pagkahugas o pagkawala ng mga natural na langis ng buhok na nagbibigay proteksyon sa buhok. Ayon sa mga eksperto tulad ng mga dermatologist at cosmetologist na magshampoo lamang ng buhok kada 2 araw.

Magpa-hot oil treatment

Kung kaya ng budget mo magpa-hot oil, huwag ka ng magdalwang isip na ipa-hot oil treatment ang buhok mo. Rekomendado rin ito ng mga cosmetologist upang matulungan ang marupok at buhaghag mong buhok.

Maglagay ng langis ng niyog sa iyong buhok

Ang paglalagay ng langis sa buhok ay isang alternatibong paraan upang matulungan ang buhaghag na buhok. Ilagay lamang ang langis mula sa anit papunta sa dulo ng mga buhok. Mainam ding gata o coconut milk. Ibabad din sa loob ng 30 minuto bago banlawan.

Gumamit ng hair conditioner

Matapos magshampoo ay mainam na gumamit ng conditioner upang maiayos ang buhaghag na buhok. Tiyakin din na ang alcohol content nito ay kakaunti lamang sapahkat nakatutuyo ito ng buhok.Maging maingat din sa pagpili ng gagamiting conditioner dahil may mga conditioner na nakakalagas ng buhok. Maraming mumurahing condiotioner ngunit masama ang epekto sa buhok at anit.

Tumigil na sa paggamit ng plantsa o curler sa buhok

Nakakatuyo at nakakabuhaghag ng buhok ang madalas ng paggamit ng maiinit na bagay katulad na rin ng hair blower at curler. Kung ninanais mong bumalik ang ayos ng iyong buhok, tigilan na ang paggamit ng mga kagamitang ito sapagkat wala itong ibang maidudulot kundi ang tuyo at buhaghag na buhok.

Gumamit ng mayonnaise sa buhok

Kung wala ka talagang budget sa pagpapa-hot oil treatmet, mabutihing gumamit na lang ng alternatibong paraan katulad ng mayonnaise. Madali lng itong mabili sa pamilihan at mabisa ito upang maisaayos ang buhaghag na buhok. Pagkatapos maligo ay pahiran ng mayonnaise ang iyong buhok at balutin ng plastic. Ibabad ito sa loob ng 30 minuto at saka banlawan.

Gumamit ng Aloe Vera

Madalas nating naririnig sa mga patalastas ng shampoo ang aloe vera. Ang halamang ito ay nagtataglay ng bitamina at sustansya na kailangan ng ating buhok upang hind imaging buhaghag. Ang malagkit o parang jelly na laman ng dahoon nito ay nararapat na ipahid sa anit hanggang sa dulo ng iyong buhok. Maari itong ibabad hanggang 20-30 minuto bago banlawan.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ibalik ang iyong Dating Ganda: Buhaghag na Buhok Tips
5 (100%) 2 votes