nandito ka
Gamot Sa Kuto: Natural Na Mga Paraan Para Mawala Ang Kuto featured Tips Para Gumanda 

Gamot Sa Kuto: Natural Na Mga Paraan Para Mawala Ang Kuto

Isa sa bawat tatlong batang Pilipino ang sinasabing pinahihirapan ng kuto. Kaya kung nagbabasa ka sa website na ito, malamang na tulad ka rin ng ibang mga magulang na naghahanap ng mabisang gamot sa kuto. Basahin ang artikulong ito para matuto ng natural na mga pamamaraan bilang gamot sa kuto.

Ano ba ang kuto?

Ang kuto ay isang insekto na walang pakpak na may sukat na isa at kalahating milimetro. Ang kuto ay nakatira sa anit ng tao at nangingitlog ng tinatawag na lisa. Ang kuto ay kumakain ng dugo na galing sa anit ng tao para mabuhay at magparami, kaya sila ay namamatay agad kapag na hulog mula sa pagkakapit sa ulo ng tao.

Bagaman ang pagkakaoon ng kuto ay walang pinipiling edad, ang mga batang na tatlo hanggang labing apat na taong gulang ay mas malamang na magkaroon ng kuto.

Napakadaling maipasa ang kuto. Ito ay maaaring mgpalipat lipat sa pamamagitan ng kontaminadong buhok, suklay, mga damit at kobre kama. Ang kadalaang sintomas ng pagkakaroon ng kuto ay ang parating pakiramdam na para bang palaging may gumagapang sa ulo mo, na kadalasang makati at may kasamang pamumula sa anit.

Kung malaman mo na isa sa mga kasama mo sa bahay ay may kuto, kailangan mo itong gamutin agad agad. Ang pagsusuklay at ang isa isang pagkuha sa mga kuto at lisa ay mamakatulong para hindi na kumalat ang kuto. Subalit ang pamamaraang ito ay isang pang matagalang proseso at epektibo lamang kung maaaga mong natuklasan ang pagkakaroon nito.

Natural na mga gamot sa kuto

Ang pagkakaroon ng kuto ay isang seryosong kalagayan na kailangan mong ayusin sa lalong madaling panahon. Pero may natural na mga gamot sa kuto na maaari mong subukan. Naglista kami ng ilan para saiyo.

Suka, gamot sa kuto

Ang suka ay isa pinakamura at popular na sangkap pamatay ng kuto. Ang mataas na antas ng acetic acid acid na nasa suka ay subok na pamatay sa salot na kuto. Karagdagan pa, ang suka ay tumutulong din na tunawin ang mga patay na lisa sa buhok at anit.

Maghalo ng magkasing daming suka at coconut oil. Ipahid ang pinaghalong sangkap sa buhok at anit bago matulog. Balutin ang ulo at buhok ng shower cap o anumang pwedeng gawing pambalot sa buhok sa loob ng magdamag. Banlawan ito gamit ang shampoo kinabukasan.

Pwede mo namang subukang maghalo ng magkasing daming suka at tubig bilang pang banlaw sa buhok pagkatapos mag shampoo. Hayaan ito sa loob ng sampung minuto at banlawan ng tubig pagkatapos.

Gawin ang alinman sa mga pamamaraan ito ng dalawa o tatlong ulit bawat linggo sa loob ng dalawang buwan. Karagdagan pa, kailangan mong gumamit ng suyod araw araw para maaalis ang mga patay na lisa.

Mayonnaise para sa kuto

Isa pang kilalang sangkap na gamot sa kuto ay ang palaman sa tinapay, mayonnaise! Ang mayonnaise ay may kakayahang bumara sa daan ng hangin sa katawan ng sa kuto para hindi sila makahinga. Ang mga dalubhasa ay kumbinsido sa mayonnaise bilang gamot sa kuto.

Maglagay ng mayonnaise sa buhok hanggang ito ay mapuno, hangang anit. Balutin ang ulo at buhok ng plastic o shower cap. Hayaan ito sa loob ng anim na oras. Banlawan ang buhok gamit ang paborito mong shampoo pagkatapos ng anim na oras. Patuyuin ang buhok gamit ang hair dryer para makasiguradong patay lahat ang mga kuto at lisa. Gumamit ng suyod para makuha ang patay na mga kuto at lisa. Gawin ito isang beses kada linggo sa loob ng dalawang buwan.

Langis ng niyog, pamatay kuto!

Ang langis ng niyog ay kilalang hari ng mga natural na sangkap na lunas sa iba’t ibang uri ng mga karamdaman. Ito rin ay maaaring gamiting pamatay ng kuto at pampaganda ng buhok. Ang coconut oil ay may kakayahang pigilan ang mga kuto sa kanilang paghinga hanggang sila ay mamatay.

Mag init ng tatlong kutsara ng coconut oil. Ipahid ang langis sa buhok kasama na ang anit at imasahe ito nang maayos. Takpan ang buhok ng shower cap o plastic at hayaan ito ng magdamag. Kinabukasan paggising mo, banlawan mo ito gamit ang iyong paboritong shampoo at patuyuin. Gumamit ng suyod para makuha ang patay na mga kuto at lisa. Gawin ang pamamaraang ito araw araw sa loob ng limang araw para tuluyang mamatay ang mga kuto.

Sibuyas, gamot sa kuto!

Ang sibuyas ay maaari ring gamitin bilang pamatay sa salot na mga kuto. Ang sibuyas ay mayaman sa sulfur o asupre na kilalang pamatay sa maliliit na insekto kasama na ang mga pulgas at kuto.

Magdikdik ng apat hanggang limang piraso ng sibuyas, mas maganda kung gagamit ka ng blender para makagawa ng paste. Salain ito na kinukuha ang katas ng sibuyas. Imasahe sa buhok at anit ang katas ng sibuyas at takpan ito ng shower cap o plastic pagkatapos. Hayaan ito sa ulo sa loob ng dalawang oras. Gumamit ng suyod para alisin ang mga namatay na kuto at lisa. Gawin ito ng isang beses sa loob ng tatlong magkakasunod na araw, at isang beses kada linggo sa loob ng dalawang buwan para tuluyan nang mawala ang problema mo sa kuto.

Katas ng kalamansi para sa kuto

Ang katas ng kalamansi ay gamit din bilang gamot sa kuto at lisa. Ang kalamansi ay nagtataglay ng mataas na antas ng asido na pwedeng gamitin na pamatay ng kuto. Maganda rin itong gamitin para makaiwas na mahawaan ng kuto ang iyong anak, lalo na ku ng malaman mong ang ilan sa mga kaklase ng anak mo ay may kuto.

Ikuskos ang ilang piraso ng kalamansi sa buhok at sa anit. Hayaan ito sa loob ng 30 minuto at banlawan ito ng suka at maligamgam na tubig. Gawin ang pamamaraang ito isang beses kada linggo bilang pag iingat na mahawaan ng kuto.

Kapag nahawa na ang anak mo, pwede parin namang gamitin ang kalamansi. Kumuha ng isang kutsara ng katas ng kalamansi at apat na pirasong bawang, dikdikin ang bawang at paghaluin. Ipahid ang pinaghalong bawang at kalamansi sa buhok at hayaan ito sa loob ng kalahating oras. Banlawan ang buhok ng tubig bago gumamit ng shampoo. Gawin ito ng isang beses kada araw sa loob ng limang sunod sunod na araw para tuluyang mamatay ang mga kuto at lisa.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Gamot Sa Kuto: Natural Na Mga Paraan Para Mawala Ang Kuto
4.3 (85%) 20 votes

Lazada Philippines