nandito ka
Ano ang Gamot sa Mabahong Paa? Tips Para Gumanda 

Ano ang Gamot sa Mabahong Paa?

Ang mabahong paa, o bromodosis ay isang pangkaraniwang problema. Nakahihiya sa mga taong nasapalibot mo na malaman nilang mabaho ang paa mo. Aanhin mo ang ganda ng iyong mukha at kinis ng iyong balat kung mabaho naman ang paa mo. Kung mabahong paa ang problema mo, huwag kang mag-alala dahil pag uusapan natin ngayon ang gamot sa mabahong paa.

Sanhi ng mabahong paa

Ang mabahong paa ay kadalasan ng sanhi ng pawis at pagsusuot ng sapatos. Ang paa at kamay mo ay may mas maraming sweat glands kumpara sa alin mang bahagi ng iyong katawan, kaya ang pagkontrol sa pamamawis ng paa ay isang nakakapagod at nakaka-frustrate na gawain. Pero sa pamamagitan ng pag focus sa iyong paa at sapatos malalaman mo na ang pagiwas sa amoy ng paa ay ang pinaka mainam na gamot sa mabahong paa.

Ano ang gamot sa mabahong paa?

Para maiwasan ang mabahong paa, kailangan mong maging malinis sa mga paa mo. Hugasan ang iyong paa araw-araw gamit ang sabon. Ang paghuhugas ay nakapagtatanggal ng dumi, pawis at mga odor causing bacteria. Siguraduhing maingat na nahuhugasan ang iyong paa habang ikaw ay naliligo. Sa maraming mga pagkakataon, maraming mga tao ang nakakalimot na hugasan ang kanilang mga paa, o kaya ay ginagawa nila ito sa mabilis at hindi maaayos na paraan. Kailangan din ng iyong paa ang atensyon na ibinibigay mo sa mga bahagi ng katawan tulad ng mukha at mga braso.

Ang paghugas ay dapat umabot hanggang sa pagitan ng iyong mga daliri at sa ilalim ng iyong mga kuko, dahil dito nagpaparami ang mga bacteria ne sanhi ng mabahong paa. Kung ang iyong paa ay nangangamoy, subukang hugasan ito ng ilang ulit bawat araw. Isa sa umaga, isa sa gabi o pagka napapansin sobra ang pawis sa paa mo.

Ang page exfoliate ng mga patay na balat sa paa ay nakakabawas din sa amoy ng paa. Hiludin ang iyong paa sa bahay gamit ang exfoliating scrub o pumice stone. Pwede ka namang magpa-pedicure kung may pera ka.

Panatilihin din maiksi ang iyong mga kuko para mabawasan ang tirahan ng mga bacteriang nagdudulot ng mabahong amoy.

Ang paggamit ng moisturizer o lotion ay magpapanatili ng malambot at malambot na balat sa paa. Maghanap ka ng lotion na amoy lavender o peppermint para malabanan ang mabahong amoy.

Panatilihing tuyo ang paa, ito ang mabisang gamot sa mabahong paa. Bakit? Ang basang paa ang siyang paboritong pamugaran ng mga mikrobyo. Kaya kapag ang suot mong medyas o sapatos ay basa, ang mga bacteria ay dadami at unti-unting magpapalabas ng masamang amoy. Kaya ang pagpapanatiling tuyo sa paa, ay para mo naring inaalisan ng bahay ang mga odor causing bacteria kaya hindi na sila makapagpaparami.

Patuyuin ng maayos ang paa pagkatapos maligo. Siguraduhing tuyo ang lahat ng bahagio ng paa kasama na ang pagitan ng mga daliri.

Huwag kakalimutang magsuot ng bagong labang medyas at palitan ito araw-araw. Kung masyado kang pawisin, magbaon ng malinis na medyas sa pagpasok sa school o sa trabaho.

Makatutulong din ang paglalagay ng pulbos na dinisenyo para sa paa, tulad ng Fissan powder. Ito ay nakakatulong na matuyo ang paa at mamatay ang mga bacteria sanhi ng mabahong amoy.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Gamot sa Mabahong Paa?
4.3 (85%) 4 votes

Lazada Philippines