nandito ka
Paano nga ba mabilis na humaba ang Buhok? Tips Para Gumanda 

Paano nga ba mabilis na humaba ang Buhok?

Ang iba’t ibang estilo ng buhok ay nakapag-iiba ng ating kaanyuan. Kada taon o panahon (season) ay paiba-iba nag nauusong estilo ng buhok. Ngunit sa mga kababaihan lalo na sa mga medyo bata pa ay nangangarap ng mahabang buhok. Mayroon ding dahil sa kanilang paniniwala ay nagpapahaba ng buhok. Kung ikaw ay nahihirapan na sa kahihintay na pahabain ang iyong buhok, panahon ng tanungin ang sarili kung ano ng aba ang tamang pag-alaga sa iyong buhok upang mabilis itong humaba.

Narito ang ilan sa mga paraang pwede mong gawin para sa mabilis na paghaba ng iyong buhok

Kumain ng Masustansyang Pagkain

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina, mga bitamina at mineral ay mahalagang mga sangkap sa mabilis na paghaba ng buhok. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin A,B,C at E, kasama na ang iron, copper, zinc, magnesium at selenium. Ang vitamin B-complex ay napakahalaga sa pagtubo ng buhok.

Kaya huwag mong kalimutan ang pagbili ng gatas, keso, yogurt, karne ng manok, whole grain, salmon, saluyot broccoli, repolyo, ubas, abovado, oatmeal sa susunod na pamimili mo. Uminom ka rin ng juice na gawa sa prutas at gulay tulad ng orange, ubas, karots at lettuce.

Umiwas sa kakulangan sa bitamina dahil sa hindi pagkain ng isang partikular na pagkain, ito ay maaaring makasama sa iyo. Halimbawa, ang kakulangan sa vitamin E at zinc ay napatunayang nakapagpapanipis ng buhok.

Masahiin ang Anit

Kailangan mo lamang ng isang kutsaritang coconut oil at ipahid sa iyong anit at matapos ay masahiin. Epektibo ito upang mapabilis ang paghaba ng buhok dahil nakakatulong ito sa maayos pagdaloy ng dugo sa ating katawan lalo na sa iyong ulo. Ang paggamit naman ng langis ng niyog ay makakatulog sa mabilis na paghaba ng iyong buhok dahil ang langis na ito ay may esensyal na mga bitamina na nakakatulong sa paghaba ng buhok at kadalasang ginagamit na kasangkapan sa paggawa ng hair conditioner.

Pag-trim o Pagputol ng Buhok

Kabaliktaran man ito sa ninanais mo, ngunit sadyang nakakatulong ang pag-trim u pagputol ng buhok paminsan-minsan. Epektibo itong pampahaba ng buhok sapagkat ang mga sirang hibla ng buhok katulod ng mga split ends ay nakakasira ng kalusugan ng iyong buhok at madalas na dahil ng hair fall o pagkalagas ng buhok. Kapag regular na nagtrim ka ng iyong buhok, napuputol o nawawala ang mga split ends at mga hiblang nasira na. siguraduhin ring, huwag masyadong maiksi ang pagputol sa iyong buhok at huwag masyadong madalas ag pagtrim nito. Mabutihin lamang na maalis ang mga damage parts ng buhok.

Iwasang Magsuklay ng Madalas

Maraming kababaihan nag naniniwala na nag pagsusuklay palagi ng buhok ang sekreto upang mabilis itong humaba. Ito ay isang malaking kasinungalingan sapagkat kung madalas kang nagsusuklay sa isang araw ay naiaalis din ang mga natural na langis sa ingong buhok o napupunta sa dulo nito. Ang isa pang epkto ay napuputol ang mga hibla ng buhok kung kaya’t mapapansin mo ay may naiiwan na mga hibla sa suklay na iyong ginagamit. Dagdag pa, nagiging marupok ang iyong buhok kung kaya’t mainam na huwag itong madalasin at pag0-ingatan ang pagsusuklay sa tuwing basa pa ang iyong buhok.

Aloe Vera, Pampahaba ng Buhok ng Babae

Ang aloe vera ay nakatutulong sa pagtubo ng buhok at pag-iwas sa paglagas nito. Nababawasan din nito ang pagkakaroon ng balakubak at nagpapanauli ng natural na kintab.

Maglagay ng sariwang gulaman ng aloe vera na may kaunting kalamnsi sa buhok at hayaan ito sa loob ng 20 minuto. Gawin ito ng dalawang beses kada linggo.

Pwede mo namang paghaluin ang aloe vera at gata ng niyog at ilagay ito sa buhok. Uminom din ng aloe vera juice ng regular.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paano nga ba mabilis na humaba ang Buhok?
3.6 (72%) 10 votes

Lazada Philippines