nandito ka
Kapal Kilay: Paano Magpakapal ng Kilay? featured Tips Para Gumanda 

Kapal Kilay: Paano Magpakapal ng Kilay?

Maraming kababaihan ang nahuhumaling sa iba’t ibang uri ng pampaganda. Isa na dito ang pagiging “conscious” nila sa kanilang kilay. Ika nga , “Kilay is Life!”. Hindi maiiwasang may mga pinanganak ng manipis ang kilay at gumagamit na lamang ng “eyebrow” upang magmukha itong makapal.

May pag-asa pa bang kumapal ang kilay ng isang babae sa madaling paraan at magaan pa sa bulsa?

Siguro pamilyar na ang iba sa castor oil. Ginagamit itong gamut sa uri-uring mga sakit at kadalasang ito ang ipinapayo ng mga nakakatanda sa atin lalo na kung ikaw ay nahihirapan sa pagdumi. Ngayon, nadiskobre na ang castor oil ay epektibo rig pampakapal ng kilay.

Ano nga ba ang castor oil?

Ang castor oil ay isang uri ng “vegetable oil” na nagmula sa halamang kastor (Ricinus communis). Sa Pilipinas tinatawag din itong Lansina, Tangan-Tangan, o Tawa-Tawa (Tagalog). Ang tangan-tangan ay isang maliit na halaman na may dahong palapad na tila palad at maaaring kulay berde o mamula-mula. Ang bunga ay may tusok-tusok na balat at may buto na ginagamit sa paggawa ng langis. Karaniwang nakikitang nakatanim sa mga bakanteng lote sa maraming lugar sa Pilipinas.

Ang castor oil ay nagmula sa ricinoleic acid o mas kilala bilang omega-9 fatty acid. Ang acid na ito ay tumutulong sa pagtubo ng buhok katulad ng kilay. Nakakatulong din ito sa mas malusog na hibla ng buhok.

Ang langis nito ang walang kulay o napakapusyaw na dilaw. Ginagamit ang castor oil sa paggawa ng mga sabon, lubricants, haydroliko at brake fluids, pintura, tina, at iba pa. Idinagdag na rin sa mga modernong gamut ang castor oil tulad ng Miconazole, isang ahente ng antifungal; Paclitaxel, isang mitotic inhibitor na ginagamit sa chemotherapy ng kanser; Sandimmune (cyclosporine injection, USP), isang gamot sa immunosuppressant na malawakang ginagamit kaugnay ng organ transplant upang mabawasan ang aktibidad ng immune system ng pasyente, at Nelfinavir mesylate, isang HIV protease inhibitor.

Paano nga ba gamitin ang castor oil para sa kilay?

Hindi mo na kailangang magpa-3D Eyebrow Embroidery o magpatattoo ng kilay at gumasto ng malaki para sa isang treatment ng pampakapal ng kilay.

Simple lang ang dapat gawin. Kung ikaw ay nakabili na ng castor oil sa mga pinagkakatiwalaang tindaan o parmasya ang mga sumusunod ay ang mga hakbang kung paano ito gamitin sa kilay.

Unang hakbang: Maghilamos ng mukha at patuyuin ito gamit ang face towel o bimpo. Siguraduhing wala ng bakas ng make up.

Pangalawang Hakbang: Ilublob ang eyeliner brush o brush ng kilay o di kaya’y cotton swabs sa castor oil at siguraduhin lamang na gumamit ng pure processed castor oil.

Ikatlong Hakbang: Gamit ang brush or cotton swabs maingat na lagyan ng castor oil ang iyong kilay. Mabutihing imasahe ang iyong kilay sa loob ng dalawa o tatlong minuto.

Ika-Apat na Hakbang: Mas mainam maglagay nito tuwing gabi bago matulog. Pagkagising sa umaga, maghilamos ng maaligamgam na tubig at siguraduhing wala ng bakas ng langis sa iyong mukha.

Mayroong video sa baba upang mas maintindihan ang paggamit nito. I-click lamang ang video.

Maliban sa nakakatulong ito bilang pampakapal ng kilay, marami rin ang benepisyo na makukuha sa paggamit ng castor oil tulad na lamang sa ating balat, buhok, at pati na rin sa kalusugan.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Kapal Kilay: Paano Magpakapal ng Kilay?
3.7 (73.33%) 3 votes

Lazada Philippines