nandito ka
Paano Gumanda ang Buhok: Pampaganda ng Buhok na Hindi Magastos! Tips Para Gumanda 

Paano Gumanda ang Buhok: Pampaganda ng Buhok na Hindi Magastos!

Sinong babae sa mundo ang hindi interesado sa tanong na paano gumanda ang buhok? Sa panahon na kinabubuhayan natin, ay tinitingala at lubos na hinahangaan ang mga artista at mga sikat na tao na may mahaba at magandang buhok. Kaya naman, karamihan sa mga kababaihan ay handang gumasta ng pera para lamang sa pampaganda ng buhok.

Narito ang ilan sa mga tips kung paano gumanda ang buhok ng hindi gumagastos ng malaki.

Hugasan ang buhok ng dalawa o tatlong ulit kada linggo para gumanda ang buhok

Gaano kadalas dapat na hugasan ang iyong buhok? Iyan ay isang pangkaraniwang tanong sa industriya ng pagpapaganda ng buhok subalit ang mga dalubhasa ay sumasangayon na ang pagbabawas ng dalas ng paghuhugas ng buhok ay isang magandang bagay, at ang paghugas ng buhok araw-araw ay nakasasama sa buhok.

Bakit? Ang natural na mga langis sa buhok ay dinisenyo para ikondisyon at protektahan ang buhok. Kaya kung ikaw ay naglalagay ng shampoo araw-araw, aalisin ng paghuhugas ang mahahalagang mga langis na iyan sa buhok.

Huwag masyadong hugasan ang mga may kulay na buhok, sapagkat aalisin agad nito ang kulay at kintab ng iyong buhok. Ayon sa mga dalubhasa sa pagpapaganda ng may kulay ng buhok, ang pinakamadalas na pagkakamali ng mga tao ay ang sobrang paghugas ng may kulay na buhok.

Mabisa at subok nang pampaganda ng buhok ang pagbili ng isang magandang brand ng shampoo at paggamit nito sa paghuhugas ng buhok ng ilang beses lamang sa isang linggo.

I-shampoo ang anit hindi ang dulo, pampaganda ng buhok

Hindi lang ang dalas ng pagshampoo ang pinag-uusapan natin kung paano gumanda ang buhok, mahalaga rin kung saan mo ilinalagay ang shampoo. Ang shampoo ay binabanlawan, ngunit hindi mo kailangang hiludin nito ang dulo ng iyong buhok.

Imasahe ang shampoo sa anit para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo dito. Ang pagbibigay ng isang maayos na masahe ay siyang mahusay na paraan para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo sa anit at maaalis ang mga toxins.

Ang pagkakaroon ng malusog at matatag na buhok ay ang pinakamabisang paraan kung paano gumanda ang buhok at magmukhang mamahalin. Iyan ay dahil sa tamang pagshampoo at conditioner kasama na ang tamang pagmamasahe nito para mapaganda ang sirkulasyon ng dugo anit.

Mag-iwas sa mainit na tubig

Maligo nang malamig na tubig. Ang pagpapaligo ng mainit na tubig ay makapagpapatuyo ng buhok at maaaring magdulot ng mga buhol na maaaring mauwi sa pagkasira ng buhok.

Marahang patuyuin ang buhok bago maglagay ng conditioner

Siguraduhing pinatuyo moa ng iyong buhok gamit ang tuwalya bago ka nag lalagay ng conditioner. Ang paglalagay ng conditioner habang basa pa ang buhok ay siyang dahilan kung bakit hindi maayos na nakakapenetrate ang conditioner sa buhok na makapagdadala sana ng lusog at kintab.

Kung gipit ka sa panahon para gawin ito, kahit papano ay pingain moa ng iyong buhok bago ka magpahid ng conditioner. Bakit? Ang buhok na basa ay wala nang kakayahang i-absorb ang epekto ng conditioner.

Ngayon ay alam mo na kung paano gumanda ang buhok ng hindi gumagastos ng mahal. Samahan mo rin ito ng wastong pagkain, tulad na lamang ng mga pagkaing sagana sa vitamin E. Ang bitaminang ito ay kilalang pampaganda ng buhok!

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paano Gumanda ang Buhok: Pampaganda ng Buhok na Hindi Magastos!
3.9 (77.5%) 16 votes

Lazada Philippines