Pampakinis Ng Mukha: Mga Tips Kung Paano Maging Makinis Ang Mukha

Ang pagkakaroon ng maputing balat, magandang hugis ng mukha o katawan ay balewala kung baku-bako ang iyong mukha. Kaya kung ikaw ay naghahanap ng paraan kung paano maging makinis ang iyong mukha, naglista kami ng simpleng mga tips na pwede mong sundan para kuminis ang iyong balat.

Paano Kuminis Ang Mukha: Ugaliin Ang Paghihilamos

Subukan ang regular na schedule ng paghihilamos sa umaga at gabi. Ang pagpapanatili ng ganitong schedule ay siyang susi para mapanatili mo ang magandang mukha kaya gawin mo ang sumusunod sa umaga at sa gabi.

Maghilamos gamit ang paborito mong facial cleanser. Iwasan ang pagkuskos ng masyadong mariin o ang paggamit ng magaspang na teleng panghilod. Ang pagkuskos sa mukha ay magdudulot lamang ng pangingitim na mas matagal maaalis. Kung gusto mong mag exfoliate, bumili ka na lamang ng cleanser o sabon na exfoliant o maghanap ka ng facial cleansing brush sa botika.

Gumamit Ng Moisturizer Para Kuminis Ang Mukha

Ang isa pang mabisang paraan kung paano kuminis ang mukha ay ang paggamit ng moisturizer. Ang paggamit ng moisturizer ay makatutulong para mapanatili ang balanse ng tubig sa balat at maiwasan ang sobrang sebo sa mukha. Pumili ka ng moisturizer na babagay sa tipo ng balat mo. Kung ikaw ay may oily skin, gumamit ka ng moisturize na oil free. Kung ang balat mo ay masyadong sensitibo sa tagyawat, bumili ka ng moisturizer na may panglaban sa pimples. Maglagay ng moisturizer sa bawat paghilamos ng mukha, mag ahit o tuwing pakiramdam mo ay tuyo ang balat mo.

Alisin Ang Makeup Bago Ka Matulog

Kung ikaw ay nagtatrabaho maghapon, mahirap gawin ang payong ito lalo na kung ikaw ay pagod na pagod. Pero ang paggawa nito ay isa sa mga sekreto kung paano kikinis ang mukha. Kung pwede, bumili ka ng make up removal oil o cream at haluan ito ng tubig at ilagay sa mukha gamit ang bulak para hindi ma irita ang balat.

Gamutin Ang Tagyawat

Ang pagkakaroon ng malalaking tagyawat ay siyang pangunahing dahilan ng pagbabaku-bako ng balat. Magbasa ng higit pa tungkol sa kung paano mawawala ang pimples.

Kapag masyadong malalaki at namamaga ang mga tagyawat, maghanap ka ng dermatologist na makakatulong saiyo. Totoo, may mga gamot na malalakas ang doses na kayang pagalingin ang pamamaga ng tagyawat mo subalit ito ay hindi ipagbibili saiyo kung walang riseta ng doktor. Kung talagang pinoproblema moa ng malalaking tagyawat, bakit hindi mo subukang kumunsulta sa doktor?

Subukan Ang Facial Mask Bilang Pampakinis Ng Mukha

Subukan mong gumamit ng face mask o pore cleanser bilang pampakinis ng mukha. Ito ay ang tinatawag na exfoliation, hinuhugasan nito ang mukha at inaalis ang dead skin cells sa ibabaw ng balat. Kung gagamit ka ng face masks, limitahan ang paggamit nito ng isang beses bawat linggo. Makakabili ka ng expoliant o face mask sa botika o pwede kang gumawa ng sarili mong face mask sa bahay.

Huwag Mong Tirisin Ang Iyong Tagyawat

Hindi magandang gawain ang pagpisa o pagtiris ng iyong tagyawat. Nakakatukso kasing tingnan kapag ang blackhead ay nakadungaw na saiyo sa loob ng ilang araw, subalit huwag mong gagawin ang naiisip mo. Ang pag tiris sa tagyawat ay magdudulot lamang ng masamang epekto.

Ang pagpisa ng pimples ay nagdudulot ng pamamaga sa balat. Mas matagal na gumaling ang uka na dahil sa pamamaga ng tagyawat. Kaya kung ako saiyo, magpakatatag ka sa paglaban mo sa pagnanasa mong tirisin ang iyong tagyawat!

Ang pimples na pinisa ay nag iiwan ng malalaking uka sa mukha. Ang pagkakaroon ng tagyawat ay panandalian lamang subalit ang uka na dala ng pagtiris sa pimples ay maaaring maging forever. Kung nagtatanong ka kung paano maging makinis ang mukha, pigilan mo ang sarili mo, huwag mong panggigilan ang pimples mo! Kahit gumagamit ka ng iba’t ibang pampakinis ng mukha, baliwala kung butas butas ang balat mo dahil sa pilat na dala ng pimples.

Paano Kuminis Ang Mukha: Huwag Ugaliin Ang Paghawak Sa Mukha

Huwag mong hahawakan ang mukha mo. Ang mga sebo at dumi na nasa kamay mo ay maaaring maiilipat mo sa mukha no na maaaring maging dahilan ng pagbabara ng mga pores. Ang pagsusumikap mo na hindi palaging hawakan ang iyong mukha ay makatutulong din na makontrol ang bisyo ng pagtiris sa tagyawat.

Gumamit Ng Bago At Malinis Na Make Up Brush

Ang make up ay katulad din ng pagkain. Ito ay nagkakaipon ng mga bacteria na nagiging masama sa kalusugan. Kung gamit mo na ang iyong make up brush sa loob ng anim na buwan, baka ito na ang panahon para itapon mo na iyan at mag move on, bumili ka na lamang ng bago. Pasasalamatan ka ng balat mo sa pagtapon mo ng lumang brush.

Ang Pag Inom Ng Maraming Tubig Ay Pampakinis Ng Mukha

Subukang uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig araw araw at makikita mo na nagbago ang balat mo. Ang karagdagang tubig ay siyang magpapadali ng pagpalabas ng mga dumi sa katawan.

Sa mga kababaihan, subukang iminom ng 2.2 litro o 0.6 galon ng tubig kada araw. Kung nahihirapan kang inumin ang ganito karaming tubig, alisin moa ng pag inom ng mga matatamis na inumin tulad ng softdrinks at palitan ito ng pag inom ng tubig. Sabagay, kailangan mong limitahan ang paginom ng mga matatamis para makaiwas sa mga sakit na maaaring idulot nito.

Sa mga lalaki naman, kailangan mong uminom ng tatlong litro o 13 baso ng tubig araw araw. Kung napapansin mong madilaw ang ihi mo, iyan ang panahon na kailangan mong dagdagan ang pag inom ng tubig.

Tamang Pagtulog At Makinis Na Balat

Malamang na nakakakuha ka ng mga alikabok at dumi kapag ikaw ay natutulog kahit hindi mo ito namamalayan. Subukan ang pamamaraang ito para mabawasan ang pagkakahantad mo sa dumi.

Palitan ang sapin ng iyong unan ng kahit isang beses kada linggo. Ang sapin sa unan ay nakapagiipon ng alikabok, laway at iba pang dumi na maaaring mapunta sa mukha mo tuwing ikaw ay matutulog. Kaya palitan ng bagong labang sapin ang iyong unan isang beses kada linggo.

Matulog ng sapat na oras. Ang kakulangan sa tulog ay maaaring makita sa itsura ng balat, kaya siguraduhing nakakatulog ka ng pito hanggang walong oras gabi gabi.

Mag Ehersisyo Ng Sapat Para Kuminis Ang Mukha

Gawin mo kung anong ehersisyo ang komportable saiyo. Ang paglalakad ng kahit 15 minuto araw araw ay mas mabuti kaysa sa pag upo na lamang maghapon. Ang pag eehersisyo ay makatutulong sa iyo na maalis ang stress sa katawan. Ang stress ay sanhi ng pimples. Kaya pagsumikapang magkaroon ng oras para sa ehersisyo.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Pampakinis Ng Mukha: Mga Tips Kung Paano Maging Makinis Ang Mukha
3.9 (78.26%) 23 votes

KATULAD NA MGA ARTIKULO