nandito ka
Paano Maging Maputi: Tips Para Pumuti Tips Para Pumuti 

Paano Maging Maputi: Tips Para Pumuti

Normal lamang sa isang dalagang Pinay na maghanap ng mga paraan kung paano maging maputi. Kaya naman, kaliwa’t kanan ang mga advertisement sa mga diyaryo, radio at TV tungkol sa mga produktong pampaputi. Ang totoo, karamihan sa mga produktong ina advertise sa media ay hindi naman talaga epektibo at ginawa lamang para perahan ang mga kababaihan na disperadong pumuti.

May mga produkto naman na epektibong pampaputi ng balat. Subalit kung ang produkto ay hindi napakamahal, malamang na may masamang side effects ito sa katawan.

Kung ikaw ay isang dalagang gustong mag paputi, malamang naghahanap ka ng mura, epektibo at safe na paraan kung paano maging maputi. Ang artikulong ito ay tumatalakay sa mga tips para pumuti, na hindi nangangailangan ng napakalaking gastos at maaari mong isagawa kahit nasa bahay ka lamang!

Paano maging maputi: gumamit ng yogurt

Ang yogurt (Yakult) ay isang produktong gawa sa gatas na may mga sangkap na nakakatulong sa balat para maging mas malusog. Ang lactic acid na nasa yogurt ay may bleaching properties na makapagpapaputi sa natural na paraan. Ang paggamit ng yogurt ay babagay sa lahat ng uri ng balat.

Gawin ito. Ipahid ang yogurt sa balat. Hayaan ito sa loob ng ilang minuto at banlawan gamit ang maligamgam na tubig. Gawin ito araw araw sa loob ng ilang linggo. Mapapansin moa ng malaking pagbabago sa kulay ng balat mo.

Pwede mo ring subukan ito. Paghaluin ang isang kutsara ng yogurt at kalahating kutsara ng honey. Ipahid ito sa mukha at leeg. Hayaan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at banlawan ito ng preskong tubig. Gawin ito araw araw para gumanda at pumuti ang kutis.

Pwede kang magdagdag ng kalamansi at oatmeal sa yogurt para makagawa ng face mask. Ang pamamaraang ito ay para sa mas maganda at moisturized na kutis.

Paano maging maputi: gumamit ng kalamansi

Alam mo ba na ang vitamin C ang pinakamahalagang sangkap sa pagpapauti ng balat? Makukuha mo ang natural na bitamina C sa mga citrus tulad ng kalamansi. Ang kalamansi ay may sangkap gamit bilang bleaching agent kaya epektibo itong pampaputi ng balat.

Napatunayan ng mga dalubhasa na ang regular na pagkain ng mga mga citrus tulad ng kahel at kalamansi ay tulong para magkaroon ng makinis na balat. Para maging maputi ang balat, pwede mong gawin ang mga sumusunod na pamamaraan.

Paghaluin ang dalawang kutsara ng kalamansi juice at ilang patak ng katas ng luyang dilaw. Ipahid ito sa mukha at leeg bago matulog. Pwede mo itong ilagay sa mga kamay at paa. Banlawan pagkalipas ng 20 hanggang 30 minuto. Gawin ito gabi-gabi.

Mag giling ng pinatuyong balat ng kalamansi. Ihalo ang pulbos na balat ng kalamansi sa isang kutsarang yogurt para makagawa ng paste. Ilagay ang paste sa balat at hayaan ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Banlawan ito ng preskong tubig. Makatutulong ito na maalis ang spots at pangit na mga marka sa mukha. Gawin ito dalawang beses kada linggo.

Gumamit ng honey para pumuti

Nakatutulong ang honey para pumuti ang balat. Ito ay nagsisilbi ring moisturizer. Ang pagiging tuyo ng balat ay siyang pangunahing dahilan ng hindi pantay na kulay ng balat kaya ang honey na may moisturizer ay nakakatulong upang paputiin ang iyong kutis. Ang honey ay may antibacterial properties na nakakatulong na mawala ang mga peklat na dala ng tagyawat.

Maglagay ng honey sa mukha, hayaan ito sa loob ng ilang minuto at banlawan ng maligamgam na tubig. Ang paggawa nito ay magtatanggal ng dead skin cells. Ang pagkawala ng mga dumi sa mukha ay siyang dahilan kung bakit mas maputi na ngayon ang mukha mo kumpara noong hindi ka pa gumagamit ng honey.

Pwede mo ring gawing face mask ang honey. Paghaluin ang isang kutsarita ng honey at katas ng kalamansi at isang kutsara ng gatas na power. Ilagay ito sa mukha sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at banlawan ng malamig na tubig. Gawin ito ng regular.

Gumamit ng lemon para pumuti

Ang asido na makukuha sa lemon ay makakayahang magpaputi ng balat. Ang lemon ay may mataas na antas ng vitamin C. Ito ay may antioxidant na maganda sa balat.

Isawsaw ang bulak sa katas ng lemon at ipahid ito sa mukha. Pwede ka ring maghiwa ng lemon at direkta itong ipahid sa mukha na hinahayaang manatili ang katas nito sa balat. Hayaan ito ng isang oras at banlawan ng preskong tubig. Gawin ito araw araw. Ang pamamaraang ito ay tiyak na mag papaputi sa balat mo. Tatanggalin din nito ang mga marka o peklat na dala ng tagyawat.

Maghalo ng tatlong kutsarita ng katas ng lemon at katas ng luyang dilaw. Ilagay ito sa mukha at hayaan ito sa loob ng kalahating oras. Banlawan ito ng preskong tubig. Gawin ito araw araw.

Pwede mo namang gawin ito. Maghalo ng isang kutsaritang katas ng lemon, gatas na powder at honey. Ipahid ito sa balat at hayaan ng 15 hanggang 20 minuto bago banlawan. Gawin ito araw araw.

Tandaan: Kung gagamitin mo ang pamamaraang ito, siguruhing wala kang sugat sa balat. Ang asido na nasa lemon ay maaaring maging napakahapdi sa sugat. Ang lemon ay hindi rin bagay sa sensitibong balat na maaaring allergic sa lemon.

Aloe vera para sa maputing balat

Ang aloe vera ay nakapag papabawas ng hyperpigmentation at nakapag papanauli ng dating kulay ng balat. Ang hyperpigmentation ang isa sa pinakadahilan ng hindi pantay na kulay ng balat.

Ang lamig na dala ng aloe vera ay nakakatulong para mapatubo ang bagong mga selula at pagalingin ang mga nasirang balat na mahalaga para sa maalusog na balat. Ang pamamaraang ito gamit ang aloe vera ay nakatutulong na paputiin ang nangingitim na balat.

Hiwain ang balat ng dahon ng aloe vera. Ihiwalay ang gulaman na nasa dahon ng aloe vera. Ilagay ang gulaman sa balat. Hayaan ito sa loob ng 30 minuto at hugasan ito ng preskong tubig. Gawin ito ng dalawang beses kada araw sa loob ng dalawang linggo.

Kung wala kang aloe vera sa bahay, bumili ka na lamang ng aloe vera gel sa botika.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paano Maging Maputi: Tips Para Pumuti
4.1 (82%) 10 votes

Lazada Philippines