nandito ka
Pampaputi ng Balat: Mga Tips Kung Paano Pumuti Ang Balat Tips Para Pumuti 

Pampaputi ng Balat: Mga Tips Kung Paano Pumuti Ang Balat

Gusto mo bang pumuti ang balat mo? Alam kong gusto mo kasi narito ka page naming tungkol sa kung paano pumuti ang balat. Ang artikulong ito ay magtuturo saiyo ng simple ngunit napakaepektibong mga paraan para pumuti ang balat mo. Pinaghalo namin ang natural na mga pamamaraan at ang mga tips na dapat mong isaisip para mapangalagaan ang iyong balat. Karagdagan pa, ang mga pamamaraang ito ay nakatatanggal din ng mga kulubot at mga patse sa balat.

Paano pumuti ang balat: Subukan ang natural na mga pamamaraan

Normal sa mga kababaihan lalo sa mga Pinoy ang mangarap ng maputing balat. Subalit mahala ang magpaputi. Naglista kami ng mga murang pamamaraan na pwede mong gawin para pumuti ka ng mabilis.

Kalamansi

Bago tayo magsimula, tandaan na ang kalamansi, katulad ng ibang citrus ay maaari maging sanhi ng iritasyon at pagkasunog ng balat. Kaya kung gagamitin moa ng pamamaraang ito, siguraduhin ang wastong pag iingat. Huwag kang maglalagay ng katas ng kalamansi sa mukha at magbibilad sa init. Hugasan ang agad ang balat ayon sa payo naming, bago ka lumabas ng bahay.

Subukan ang katas ng kalamansi bilang pampaputi ng balat: Hiwain ang kalamansi sa dalawa. Gamitin moa ng isa at itago ang natitirang hati. Siguraduhing ilalagay moa ng tiring kalamansi sa malamig na lugar, tulad ng refrigerator. Pigain ang kalamansi sa isang lalagyan tulad ng malinis na plato.

Kumuha ka ng bulak at isawsaw ito sa katas ng kalamansi. Ipahid ito sa bahagi ng iyong katawan na gusto mong paputiin. Pwede mo itong ipahid sa mukha, leeg o kahit saang bahagi na gusto mong paputiin. Mag ingat na hindi malagyan ng kalamansi ang mga mata mo.

Hayaan ito na nakalagay sa mukha ng 15 hanggang 20 minuto bago ito banlawan. Gumamit ng maligamgam na tubig bilang pangbanlaw. Palaging mag lagay ng moisturizer pagkatapos gumamit ng kalamansi.

Gawin ito ng dalawa hanggang tatlong ulit bawat linggo. Ang paggamit nito ng araw araw ay hindi naming irinirekomenda dahil ito ay nakasisira sa balat.

Kung sa tingin mo ay may masyadong matapang sa balat mo ang kalamansi, subukan mong lagyan ng kaunting tubig ang katas ng kalamansi bago mo ito ilagay sa balat.

Gumawa ng kalamansi paste. Ang paggawa ng kalamsi mask ay makakatulong na maabsorb ng balata ng asido na nasa kalamansi. Dahan dahan nitong babaguhin ang kulay ng balat mo.

Narito kung paano gagawin ang kalamansi mask. Paghaluin ang mga sumusunod: isang kutsarang katas ng kalamansi, isang kutsarang katas ng kamatis, isang kutsarang katas ng pipino at isang kutsarang baking soda. Paghaluin ito hanggang lumapot na parang paste. Ilagay ito sa mukha na aparang mascara at hayaan ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Banlawan ito ng maligamgam na tubig at maglagay ng moisturizer.

Pwede ka namang gumawa ng mask para sa tuyong balat. Ihanda ang mga sangkap: isang kutsarang gatas na powder, isang kutsarang honey, isang kutsarita ng katas ng kalamnsi, dalawang patak ng virgin coconut oil o olive oil. Paghaluin ang mga sangkap hanggang lumapot na parang paste. Ilagay ito sa mukha bilang maskara at hayaan sa loob ng 20 hanggang 25 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig. Maglagay ng moisturizer pagkatapos.

Subukan ang sabaw ng niyog bilang pampaputi ng balat

Sinasabi ng ilan na ang sabaw ng niyog ay nakapagpapaputi at nakapagpapalambot daw ng balat. Isawsaw ang bulak sa sabaw ng niyog. Ipahid ito sa mukha at sa ibang bahagi ng katawan na gusto mong paputiin. Hindi mo na kailangang magbanlaw pa.

Pwede mo ring inumin ang sabaw ng niyog dahil ito ay nakatutulong upang labanan ang pagkatuyo ng balat. Ang sabaw ng niyog ay mayaman sa mga importanteng mineral at mababa sa kaloriya.

Gumamit ng aloe vera pampaputi ng balat

Ang aloe vera ay kilala bilang ang reyna ng mga herbal pag dating sa pagpapaganda ng balat at buhok. Kaya kung nagtatanong ka kung paano pumuti ang balat mo, maghanap ka na ng aloe vera. Pwede kang kumuha ng dahon at itanim ito sa paso o sa bakuran mo.

Ang dagta na nasa aloe vera ay nakatutulong para mabilis na gumaling ang nasirang balat dahil sa iritastyon. Ito ay magandang moisturizer at nakakatulong na ibalik ang sigla na nawala sa balat. Nakatutulong din itong kumupas ang mga patse sa balat.

Kumuha ng dahon ng aloe vera at ipahid ang gulaman sa balat na gusto mong paputiin. Ang aloe vera ay maganda sa balat kaya pwede mo itong gamitin ng paulit ulit dahil wala itong side effects.

Hilaw na patatas para pumuti

Ang katas na nanggagaling sa hilaw na patas ay sinasabing may kakayahang magpaputi ng balat sa natural na paraan. Ang hilaw na patatas ay mayaman sa vitamin C na makukuha rin sa mga produktong pampaputi ng balat.

Hiwain mo sa dalawa ang isang piraso ng patatas at ikuskos ito sa balat na gusto mong paputiin. Kailangan mo itong isagawa ng ilang ulit sa loob ng isang linggo para makita mo ang pagbabago sa kulay ng balat mo.

Ang ibang prutas at gulay tulad ng pipino at kamatis ay sagot din sa tanong na paano pumuti ang balat dahil nagtataglay din ang mga ito ng vitamin C.

Paano pumuti ang balat: pangalagaan ng wato ang kutis

Sa maraming pagkakataon, nagiging pangit ang itsura ng balat dahil sa pagpapabaya. Sa hirap ng buhay, kailangan maging subsob sa hanap buhay, subalit kailangan mong pangalagaan ang balat mo kung gusto mong magmukhang kaayaaya sa paningin.

Narito ang ilang tips kung paano pumuti ang balat sa pamamagitan ng wastong pangangalaga sa sarili.

Ang paghinto sa paninigarilyo ay isang mabisang pampaputi ng balat. Ang paninigarilyo ay sanhi ng pagkukulubot ng balat. Ito ay isa sa panguning dahilan ng maaagang pagtanda. Kaya kung gusto mo nang magandang kutis, ang un among dapat gawin ay ang paghinto sa paninigarilyo.

Gumamit ng sunblock araw araw. Ang matinding sikat ng araw ay lubhang nakakasira ng balat. Ito ay maaaring pagmulan ng ng mga patse sa balat, sun burn o skin cancer. Kaya ang pag gamit ng sunblock ay isang pangangailangan para mapangalagaan ang balat laban sa mapaminsalang sikat ng araw. Maglagay ng sunblock kahit pa hindi maaraw ang panahon, ang UV radiation ay nakatatagos sa mga ulap kaya dapat kang gumamit ng sunblock kahit na panahon ng tag ulan.

Uminom ng maraming tubig. Ang pag inom ng tubig ay magpapanatili ng tamang moisture sa balat. Bagaman hindi ito makapagpapaputi, ito ay makakatulong upang mapanatili ang malusog na balat. Ang malusog na balat ay may kakayahang ayusin ang sarili at pagalingin ang mga sira, na inaalis at pinapalitan ng bagong layer ang balat. Subukang uminom ng anim hanggang walong baso ng tubig araw araw. Ito ay epektibong pampaganda ng balat

Alisin ang make up bago ka matulog sa gabi. Kung hindi, ang mga kemikal na nasa make up ay babara sa mga pores ng balat mo, na pwedeng maging sanhi ng pagkasira ng balat.

Kumain ng tamang pagkain. Ang pagkain na mayaman sa mga bitamina at mineral ay tulong para magkaroon ng balat na malusog at masigla. Kumain ng prutas at gulay lalo na ang mga pagkaing mayaman sa bitamina A, C at E na pagkain ng balat.

Tandaan na ang mga payo tungkol sa kung paano pumuti ang balat ay magiging epektibo kung susundin mo ng maayos at magkakaroon ka ng disiplina sa sarili. Ang epekto ng mga pamamaraang aming ibinigay ay iba iba depende sa taong gagamit nito.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pampaputi ng Balat: Mga Tips Kung Paano Pumuti Ang Balat
4.5 (90.59%) 17 votes

Lazada Philippines