nandito ka
Pampaputi ng kilikili: Paano pumuti ang kilikili? featured Tips Para Pumuti 

Pampaputi ng kilikili: Paano pumuti ang kilikili?

Ang pagkakaroon ng maitim na kili-kili ay hindi sakit, subalit ito ay lubhang nakakahiya. Kung ikaw ay isang babae, baka nahihiya kang mag suot ng sleeveless na damit kung maitim ang kilikili mo. May mga lalaki ring nahihiya na mag tanggal ng damit sa gitna ng maraming tao dahil sa maitim na kilikili. Kung naghahanap ka ng mga paraan upang pumuti ang iyong kilikili, tamang lugar ang iyong napuntahan. Sa artikulong ito tatalakayin natin ang natural na mga paraan kung paano pumuti kilikili.

Mga dahilan ng pag itim ng kilikili

Tulad ng nasabi na, ang pag itim ng kilikili ay hindi naman sakit. Ito ay marahil na dala ng pagkakahantad ng balat sa kilikili sa isang particular na elemento tulad din ng pangingitim ng balat na nabilad sa araw, dahil sa mapaminsalang ultraviolet radiation.

Narito ang ilan sa mga pangkaraniwang dahilan ng pag itim ng kilikili:

  • Madalas na pag aahit
  • Madalas na pag gamit ng mga cream na pang alis ng buhok sa kilikili
  • Matinding pagpapawis
  • Pagkakaipon ng mga dead skin cells sa kilikili
  • Pag gamit ng isang partikular na uri ng deodorant na hindi hiyang saiyo.

Ang pag itim ng kilikili ay maaari ding sintomas ng isang seryosong karamdaman tulad ng pagkakaroon ng diabetes, sobrang katabaan, hormonal imbalance, pag inom ng isang uri ng gamot o pagkakaroon ng cancer.

Kung ang pag itim ng kilikili mo ay dahil sa mga kondisyong ito, dapat mo itong sangguni sa doktor para sa tamang pagsusuri at propesyonal na lunas.

Paano pumuti ang kilikili

Kung ang maitim na kilikili ay hindi naman dahil sa isang medikal na kondisyon, maaaring masulusyonan agad sa maiksing panahoin ang problema mo, kahit nasa bahay ka lang. Gawin mo ang mga sumusunod na paraan para pumuti agad ang iyong maitim na kilikili. Ang kagandahan ng mga pamamaraang ito? Ito ay madaling gawin at napakamurang paraan kung paano pumuti ang kilikili. Narito ang sampung natural na paraan para pumuti ang kilikili.

Gumamit ng patatas para pumuti ang kilikili

Ang banayad na asido na nasa patatas ay magandang natural na bleaching agent na pampaputi ng balat. Hindi tulad ng artipisyal bleach na nabibili sa mga butika, hindi susunugin ng patatas ang kilikili mo.

Maghiwa ng manipis na hiwa ng patatas at ipahid ito sa mga kilikili. Pwede ka naming magkayod ng patatas at ilagay ito sa mga kilikili ng 15 hanggang 20 minuto at banlawan ng maligamgam na tubig.

Gawin mo ang alin man sa dalawang paraan na ito ng dalawang beses kada araw para sa mabilis na pagputi ng kilikili.

Pipino: epektibong pampaputi ng kilikili

Katulad ng patatas, ang pipino ay may natural na sangkap na pampaputi na nakatutulong para paputiin ang nangigitim na balat, tulad ng sa kilikili.

Ipahid ang isang manipis na hiwa sa kilikili. Pwede mo ring kayudin ang pipino at ipahid ang katas sa kilikili mo. Gawin ito isang beses kada araw hanggang sa mapansin mong pumuti na nga ang kilikili mo.

Ang isang paraan na maaari mong subukan sa pipino ay ang pagpiga ng katas nito at ihalo sa katas ng luyang dilaw na may kasamang kalamsi. Ipahid ito sa kilikili at hayaan sa loob ng kalahating oras. Hugasan ng tubig pagkatapos. Ulitin ito ng isang beses kada araw hanggang sa mapansin mong pumuti na nga ang kilikili mo.

Kalamansi, pamapaputi sa kilikili

Ang kalamansi ay kilalang pampaputi ng sa balat at may kakayahan itong patayin ang mga mikrobyo tulad ng bakteriya. Ito ang dahilang kung bakit ginagamit ang kalamansi na panggamot sa maraming uri ng mga sakit sa balat, kasama na ang maitim na kilikili. Ang kalamansi ay nakapagpapatuyo ng balat kaya huwag kalimutang maglagay ng moisturizer kung gagamitin mo ang kalamansi bilang pampaputi ng kilikili.

Para maalis ang mga dead skin cell at pumuti ang kilikili, ipahid mag hiwa ng kalamansi at ipahid ito sa kilikili sa loob ng ilang minuto. Hayaan ang katas ng kalamansi sa kilikili ng sampung minuto at banlawan ito ng maaayos . Para mas maging epektibo ito, lagyan ng asukal ang kalamsi bago ito ipahid sa kilikili. Gawin ito ng ilang ulit bawat lingo.

Pwede mo ring subukan na ihalo ang kalamansi juice sa turmeric powder o yogurt at ipahid ito sa kilikili mo. Hayaan ito sa loob ng sampong sandali at banlawan ng malinis na tubig. Ulitin ito ng apat na beses bawat linggo.

Baking soda sa maitim na kilikili

Ang baking soda ay maaari ding gawing panghilod para maalis ang pangingitim ng kilikili. Makakatulong ito para maaalis ang mga dead skin cell na siyang pangunahing dahilan ng maitim na kilikili. Aalisin din nito ang mga bara sa mga butas ng balat o pores.

Maghalo ng baking soda at tubig para makagawa ng paste. Ipahid ang paste sa kilikili na ginagawa itong pang hilod. Banlawan ng maigi at patuyuin. Gawin ito ng ilang ulit bawat linggo. Pwede kang mag halo ng baking soda at cornstarch at ipulbos ito sa katawan para mawala ang masamang amoy sa katawan.

Balat ng orange

Tulad ng kalamansi, ang balat ng orange ay maaari mo ring gamitin na pampaputi ng kilikili. Ito ay nagtataglay din ng mga sangkap na nakapagpapaputing kilikili.

Magpatuyo ng balat ng orange sa direktang sikat ng araw sa loob ng ilang araw para matuyo ito ng maigi. Gilingin ito upang maging pulbos. Ihalo ito sa tubig at gatas para maging paste. Gamitin itong pang hilod sa kilikili at hayaan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Banlawan ito ng malamig na tubig. Ulitin ito ng tatlong beses kada linggo.

Coconut oil para pumuti ang kilikili

Ang langis na mula sa niyog ay isa pang pwede mong pagpilian para mawala ang pangit na kilikili. Ang langis na ito ay nagtataglay ng vitamin E na nagpapaputi ng maitim na balat. Ito ay nakapagpapaalis din ng mabahong amoy sa katawan kaya pwede itong gawing deodorant.

Gawing panghilod ang coconut oil sa kilikili. Hayaan ito sa loob ng 10 minuto o higit pa. Hugasan ito ng tubig at sabon. Gawin ito ng dalawa o tatlong ulit hanggang sa mapansin mong maputi na ang kilikili mo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Pampaputi ng kilikili: Paano pumuti ang kilikili?
4.5 (90.53%) 19 votes

Lazada Philippines