nandito ka
Mga Natural Na Paraan Kung Paano Pumuti Ang Mukha Tips Para Pumuti 

Mga Natural Na Paraan Kung Paano Pumuti Ang Mukha

Gusto mo bang pumuti ang iyong mukha? Sino ba namang Pinoy, maging lalaki man o babae ang ayaw na pumuti at kuminis ang mukha. Kapag paputian ng mukha ang pinaguusapan, kalimitang naiisip mo na ang pagpapaganda ay para lamang sa mga mayayaman at mga artista. Alam mo na mahal ang magpaganda.

Kung naghahanap ka ng paraan kung paano pumuti ang iyong mukha, tamang tamang tama ang iyong napuntahan dahil naghanda kami ng isang simpleng listahan ng mga pamamaraan kung paano pumuti ang mukha na mura ngunit napaka epektibo. Ang mga sangkap na ating pag uusapan ay mura at madaling hanapin dito sa atin.

Saging facial mask

Hindi mo na kailangan ang magpa botox kung meron kung meron namang saging sa palengke! Oo, pwede mong gamitin ang saging bilang natural, gawa sa bahay na facial mask na magmomoisturize ng balat mo at magpapaputi at magpapabata sa iyo. Durugin ang isang katamtamang laking hinog na saging para maging isang paste at ilagay ito sa mukha at sa leeg. Hayaan ito sa mukha at leeg ng 10 hanggang 20 minuto at banlawan ng malamig na tubig.

Pwede mo namang gawing mask ang ¼ basong yogurt, 2 kutsarang honey, 1 katamtamang laking saging. Ang honey na nasa facial mask na gagawin mo gamit ang mga sangkap na ito ay natural na lunas sa tagyawat.

Suka (vinegar) facial mask

Ang paggamit ng suka bilang skin toner ay hindi na bago. Ito ay ginagamit na ng mga tao magmula pa noong hindi pa ipinanganganak ang Cristo, at ito ay epektibo parin hanggang sa ngayon.

Matapos kang maghilamos, maghalo ng 1 kutsarang apple cider vinegar at 2 baso ng tubig para linisin ang iyong balat.

Pwede ka namang gumawa ng facial mask gamit ang ¼ baso ng apple cider vinegar at ¼ baso ng tubig. Marahan itong ipahid sa mukha at hayaang matuyo.

Gatas facial mask

Narito ang isa pang paraan kung paano pumuti ang mukha kahit hindi ka pumupunta sa parlor o spa. Gumawa ng facial mask gamit ang ¼ baso ng gatas na powder na may sapat na tubig para makagawa ng makapal na paste. Lagyan ang mukha hanggang sa matakpan ang balat sa mukha. Hayaang matuyo ang mask at banlawan ng maligamgam na tubig. Mararamdaman mo na mas maputi at bumata ang iyong mukha pagkatapos.

Oatmeal facial mask

Kung naghahanap ka ng madalian ngunit epektibong paraan para pumuti at magmukhang maganda, maghanda ka ng oatmeal facial mask. Maghalo ng ½ baso ng mainit na tubig pero siguraduhing hindi kumukulo, at 1/3 basong oatmeal. Pagkalipas ng dalawa o tatlong minuto, haluan ito ng 2 kutsarang yogurt, 2 kutsarang honey at isang maliit na itlog (kunin lamang ang puti). Lagyan ang mukha ng manipis na mask at hayaan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Banlawan gamit ang maligamgam na tubig.

Mayonnaise Facial Masks

Bakit ka mag aaksya ng pera sa mamahaling beauty cream kung kaya mo namang gumawa ng facial mask sa bahay gamit ang mayonnaise na nasa refrigerator? Ipahid ang mayonnaise sa mukha hanggang matakpan ang lahat ng balat sa mukha at hayaan ito sa loob ng 20 minuto. Punasan at banlawan ng malamig na tubig. Mararamdaman mong kuminis at pumuti ang mukha mo.

Yogurt facial mask

Di mo na kailangang pumunta pa ng parlor o spa para maging maganda. Para linisin ang mukha at paliiting ang mga butas ng balat, maglagay ng yogurt sa mukha at hayaan ito ng 20 minuto. Para gumawa ng facial mask, maghalo ng isang kutsarang yogurt at katas ng kalamansi at isang kutsarang gulaman ng aloe vera. Ilagay ito sa mukha at banlawan pagkalipas ng limang minuto.

Kalamansi facial mask

Gumawa ng facial mask na nakapagpapaputi at nakakapag moisturize sa pamamagitan ng paghalo ng katas ng kalamnsi sa ¼ tasang olive oil. Ipahid ito sa mukha at hayaan ng 10 hanggang 20 minuto at banlawan.

Itlog facial mask

Para pumuti at magmukahang sariwa, kumuha ka ng isang piraso ng itlog. Kung tuyo ang balat mo, ihiwalay ang puti at batihin ang kapulahan ng itlog. Kung oily naman ang balat mo, kunin ang puti ng itlog at haluan ng kalamansi at honey. Para sa normal na balat, pwede mong gamitin ang buong itlog, batihin, ilagay sa mukha at magrelax. Maghintay ng 30 minuto at banlawan.

Mga tips para maging malusog at maputi ang balat

Ang pagiging maputi at malusog ng balat ay hindi nangangahulugan na kailangan mong gumastos ng marami para sa parlor o spa. Narito ang ilang tips kung paano pumuti ang mukha sa pamamagitan ng pagiingat sa balat.
Kumain ng tama. Ang isa sa pinkamabisang paraan ng pagpapanatili ng malusog at maputing balat ay ang pagkain ng malusog. Narito ang mga pagkain para sa malusog at masiglang na balat.

  • Mga pagkaing may Omega-3 fatty acids tulad ng tuna, mackerel at sardinas
  • Mga pagkaing may vitamin A o beta-carotene tulad ng kamote, karots manga at saluyot
  • Mga pagkaing may zinc tulad ng karne ng baka at kalabasa
  • Mga prutas at gulay
  • Mga pagkaing matubig

Uminom ng maraming tubig

Ang pag inom ng maraming tubig ay mahalaga lalo na sa mga tao na may tuyong balat. Ang pag inom ng maraming tubig ay isang paraan para mapanatiling masigla ang balat. Kailangan ang tubig para maayos na makarating ang mga mineral at nutrients sa balat. Mahalagang iwasan din ang pag inom ng mga inumin tulad ng softdrinks, kape at alak sapagkat ito ay nagiging sanhi ng di kinakailangang pagkawala ng tubig sa katawan. Ang malamig na panahon ay nakakatuyo din ng balat kaya magsuot ng makapal kun lalabas sa malamig at mahanging panahon. Huwag din kalimutan na mag lagay ng sunblock kahit na hindi naman maaaraw.

Matulog ng sapat

Ang sapat na tulog tuwing gabi ay mahalaga sa pagkakaroon ng malusog at masiglang balat. Kapag natutulog ka, ang mga selula sa balat mo kusang inaayos ang kanilang mga sarili. Ang pagtulog ay ang panahon na kung saan ibinabalik sa ayos ang mga sira sa balat na nakuha mo sa buong maghapon. Para maingatan ang balat, siguraduhing matulog ng hindi bababa sa pitong oras tuwing gabi. Tanggalin moa ng iyong make up bago ka matulog dahil pwede itong maging hadlang sa pagpapanauli ng balat.

Mga tips para hindi agad tumanda

Baga man ang ibang nabanggit na natin ay maituturing din na mga tips para hindi agad tumanda, ang mga sumusunod ay karagdagan pang mga payo para hindi agad magkulubot ang iyong balat.

  • Iwasang mabilad sa araw. Kung kailangan mong lumabas, gumamit ka ng sunblock at magsuot ng sombrero
  • Iwasan ang pagkakahantad sa init tulad ng sa mainit na tubig at kapag nagluluto
  • Pagaralang magrelax ng mukha
  • Itigil ang paninigarilyo

Sa pamamagitan ng maingat na pagsunod sa mga payong nailista namin sa artikulong ito, tiyak na masasagot mo na ang tanong na paano pumuti ang mukha. Natutuhan mo rin kung paano mapapabagal ang proseso ng pagtanda ng mukha gamit ang mga tips na ibinigay naming saiyo.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga Natural Na Paraan Kung Paano Pumuti Ang Mukha
4.1 (82.5%) 8 votes

Lazada Philippines