nandito ka
Paglalagas ng Buhok: Sanhi at Lunas Tips Para Gumanda 

Paglalagas ng Buhok: Sanhi at Lunas

Nawawala na baa ng kompyansa mo sa iyong sarili dahil sa pagkalagas ng iyong buhok? Kahit anong gamit mo ng mga hair products na “anti-hairfall” ay hindi pa rin ito epektibo.

Kung ating mapapansin habang tayo ay nagsusuklay o naliligo ay may nalalagas na buhok. Ayon sa mga eksperto, kung 50 hanggang 100 na hibla ang nalalagas araw-araw, ito ay normal lamang at wala dapat na ipag-alala. Ngunit, kung sobra pa sa nasabing bilang at sadyang lumalala ang paglalagas ng buhok, dapat na itong ikonsulta sa iyong doctor.

Kung kumbensyonal na pamantayan ng kagandahan ang pag-uusapan, kasama riyan ang pagkakaroon ng makapal at mahabang buhok.Ngunit dapat nating isa-isip na ang magandang buhok ay ang malusog na buhok. Ang malusog na buhok ay may natural na balanse sa pagitan ng paglago at pagkalagas. Kung napapaaga ang paglalagas ng buhok, dito na nagkakaroon ng problema lalo’t higit kung wala pang bagong buhok na tumutubo para mapalitan ang nawalang buhok. Sa ganitong kalagayan nagagambala ang normal na siklo o cycle kaya’t mahalagang malaman ang iba’t ibang sanhi ng di normal na panlalagas ng buhok upang mabigyan din ng tamang kaalaman ang mainam na solusyon para dito.

Sabi nga nila na ang ating buhok ay isa sa mga mahalagang parte ng ating hitsura dahil ang iba’t ibang klase ng hairstyle ay nagbibigay ng kakaibang epekto sa ating kabuuang paghihitsura. Kung nalalagas na ang iyong buhok o napapanot, mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit ito nangyayari.

Sanhi ng Paglalagas ng Buhok

  • Stress. Isa sa mga pangunahing dahilan sa paglalagas ng buhok ay dahil sa stress lalo nap ag masyadong nagpupuyat at kulang sa pahinga. Ang normal na cycle ng pagtubo, paglago at pagkalagas ay nabibigla na nagreresulta sa agarang paglalagas ng buhok. Ngunit sa oras na maibalik ang tamang pahinga ng katawan mula sa sobrang pagod o stress magsisismula na muling tumubo ang buhok.
  • Anemia. Ang kakulangan ng iron sa katawan ang nagbubunsod sa paglalagas ng buhok. Upang malunasan ito, mainam na magpatingin sa doctor o uminom ng mga bitamina na nagtataglay ng iron tulad ng ferrous sulfate vitamins.
  • Mga kemikal na inilalalagay sa buhok. Ang mga kemikal na tulad ng hair color, rebond treatment, relax treatment, o kahit ang pagstyle ng buhok na gamit ang maiinit na kagamitan ay sadyang dahilan ng paglalagas ng buhok. Ang mga kemikal na ito ay napupunta sa ugat ng buhok kung kayat namamatay ang buhok o nalalagas. Upang maiwasan ito, mapabuting limitahan ang paggamit ng mga nasabing kemikal lalo na rin ang paggamit ng mga kagamitan tulad ng plantsa at curler.
  • Pagbubuntis o Panganganak. Normal na nagaganap ang paglalagas ng buhok sa mga nagbubuntis o nanganganak dahil sa hormonal imbalance na nagyayari sa iyong katawan sa kasalukuyan. Babalik agad sa normal ang lahat makalipas ang dalawang buwan basta’t siguraduhin lamang na tama at sapat ang mga nutrisyong natatanggap ng iyong katawan. Iwasan din ang sobrang pagkapagod upang mapabilis ang pagrecover ng katawan.
  • Kakulangan sa Nutrisyon. Napakahalaga ng pagkain ng sapat at ang pag- eehersisyo upang mapanatiling masigla ang iyong buhok. Siguraduhin na ang pagkaing iyong inihahain ay may taglay na protina, Vitamin B, at iba pang mineral na tumutulong upang maiwasan ang pagkapanot. Ang buhok ay tumitigil sa paglago dahil hindi masuportahan ng katawan ang sustansyang kailangan ng buhok kaya ito ay nalalagas na lamang.
  • Alopecia, lupus at hypothyroidism. Ang mga sakit na ito ay nagreresulta ng paglalagas ng buhok. Mabuting ipakonsulta sa doctor ang ganitong uri ng sakit upang mabigyan ng lunas habang maaga pa.
  • Namamana ang Paglalagas ng Buhok. Ang pagkapanot o paglalagas ng buhok ay nasal ahi rin. Kung may mga kamag-anak kang ganito rin ang nararanasan, posibleng ito’y mamana.
  • Pagtanda. Kung pagtanda ang pag-uusapan, sadyang hindi na yata mapipigilan ang paglalagas ng buhok. Habang tumatanda na ay hinay-hinay ng nalalagas ang mga buhok. Mainam na habang bata pa ay alagaan ng wasto ang buhok upang hindi masyadong mapaaga ang paglalagas ng buhok.

Gamot sa Paglalagas ng Buhok

Habang maaga pa, gawin na ang mga wastong paraan sa pag-alaga ng iyong buhok habang hindi pa huli ang lahat. Ang mga sumusunod ay mga simpleng tips upang mabigyang lunas ang paglalagas ng buhok.

  • Sa tuwing matatapos maligo, mabutihing matuyo ito bago talian. Isa rin itong dahilan kung kaya’t napapaaga ang pagkaputi ng buhok o pagkamatay nito. Mas mainam din na huwag munang magsusuklay ng buhok kung basa pa ito lalo na sa mga mahahaba nag buhok.
  • Iwasan ang paggamit ng mainit na tubig sa iyong buhok. Katulad din ito ng mga curler o plantsa kung saan natutuyot o namamatay ang buhok. Iwasan din ang madalas na pagkukulay ng buhok. Tuwing nagpapatuyo ng buhok siguraduhing huwag itong ikuskos sa tuwalya o bimpo. Mabutihing idampi lamang ito upang maiwasan ang paglalagas ng buhok. Hayaan lang na matuyo ang buhok sa hangin at huwag ng gumamit ng hair drier.
  • Iwasang magbilad sa araw lalo nap ag sobrang init at maalikabok na paligid. Hindi lang nabubuhaghag ang iyong buhok kundi nagiging weak ang strands nito. Ito rin ang sanhi ng pagkatuyot ng buhok.
  • Huwag kalimutan na kumain ng wasto. Kumain ng mga gulay at prutas na natural na makapagbibigay ng madulas at matibay na hibla ng buhok. Ang maaaring pagkunan ng protina ay ang isda, itlog, green peas, nuts, beans, tofu, leafy greens, nuts, at avocado. Balanseng pagkain ang kailangan hindi lang para sa buhok kundi para sa pangkabuuang kalusugan.
  • Iwasang magpatreatment lalo na iyong may mga matatapang na kemikal katulad ng pagrerebond, pagrerelax at pagha-hot oil. Malaki ang posibilidad na nagiging patay ang iyong buhok pag nawawala na ang mga kemikal na nailagay sa iyong buhok.
  • Kapag kakaiba na ang paglalagas ng iyong buhok ang mas lumalala na ito, huwag magdalawang isip na magpakonsulta sa iyong doctor o espesyalista upang mabigyang lunas ang posibleng karamdaman.

Kung Ano ang Isinisiwalat ng Buhok Mo

Ang pangangalaga at pag-aayos sa buhok ay mga paraan ng pagpapahayag sa sarili. Ang buhok ay pinuputol, pinahahaba, tinutuwid, kinukulot, kinukulayan, at inaayos sa iba’t ibang paraan upang matugunan ang mga kausuhan, relihiyosong paniniwala, at maging ang mga ideyang panlipunan o pampulitika. Malapitang siyasatin ang iyong buhok. Ano ang isinisiwalat nito hinggil sa iyo? Ang malusog na buhok na maganda ang pagkakaayos ay naggagayak sa nagtataglay nito at hinahangaan ito ng iba.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Paglalagas ng Buhok: Sanhi at Lunas
5 (100%) 3 votes

Lazada Philippines