nandito ka
Ano ang Mabilis na Pampahaba ng Buhok ng Babae Tips Para Gumanda 

Ano ang Mabilis na Pampahaba ng Buhok ng Babae

Husto mo ba ng mabilis na pampahaba ng buhok? Ang totoo, walang shortcut sa paghaba ng buhok. Ito ay humahaba bg kalahating pulgada bawat buwan. Ang iyong pangkalahatang kalusugan at ang mga namamanang katangian ay maaaring makaapekto sa bilis ng paghaba ng iyong buhok.

Pero pwede mo namang suportahan ang malusog na paghaba ng iyong buhok sa pamamagitan ng masusustansiyang pagkain at tamang pag-aalaga sa buhok mo. May ilang mga halamang gamot din na nakakatulong bilang mabilis na pampahaba ng buhok ng babae.

Narito ang ilan sa mga paraang pwede mong gawin para sa mabilis na paghaba ng iyong buhok

Tamang pagkain, mabilis na pampahaba ng buhok

Ang pagkain ng mga pagkaing mayaman sa protina, mga bitamina at mineral ay mahalagang mga sangkap sa mabilis na paghaba ng buhok. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa vitamin A,B,C at E, kasama na ang iron, copper, zinc, magnesium at selenium. Ang vitamin B-complex ay napakahalaga sa pagtubo ng buhok.

Kaya huwag mong kalimutan ang pagbili ng gatas, keso, yogurt, karne ng manok, whole grain, salmon, saluyot broccoli, repolyo, ubas, abovado, oatmeal sa susunod na pamimili mo. Uminom ka rin ng juice na gawa sa prutas at gulay tulad ng orange, ubas, karots at lettuce.

Umiwas sa kakulangan sa bitamina dahil sa hindi pagkain ng isang partikular na pagkain, ito ay maaaring makasama sa iyo. Halimbawa, ang kakulangan sa vitamin E at zinc ay napatunayang nakapagpapanipis ng buhok.

Castor oil bilang pampahaba ng buhok

Ang castor oil ay isa rin sa mabilis na pampahaba ng buhok dahil ito ay sagana sa vitamin E at fatty acid lalo na ang omega-9 fatty acid. Ang langis na ito ay kilalang natural na pampatubo ng buhok.

Dahil sa ang castor oil ay malapot, haluan ito ng kasing dami ng coconut oil at i-masahe sa anit at sa buhok at hayaan ito sa loob ng 30-45 minuto. Pagkatapos ay mag shampoo ka na.

Masahe sa anit

Ang pagmamasahe sa buhok at anit ay maituturing na pampahaba ng buhok dahil sa ito ay nakatutulong para mapabuti ang sirulasyon ng dugo sa anit, na nakapag papabuhay sa mga hair follicle.

Ipahid ang maligamgam na castor o coconut oil sa buhok at anit. Marahang masahihin ng mga daliri ang anit sa paikot na paraan sa loob ng limang minuto. Banlawan ang ulo para maalis ang oil.

Uminom ng vitamins at food supplement

Kung gusto mo ng mabilis na pampahaba ng buhok, pwede kang uminom ng mga supplement tulad ng folic acid, biotin, fish oil at ibang mga produktong pampahaba ng buhok. Ang folic acid at biotin ay mga B-complex na bitamina na napatunayang tulong para mabilis na tumubo ang buhok. Paalala lamang, sumangguni sa doktor bago ka uminom ng kahit na ano, kahit ito ay food supplement lamang.

Aloe vera, pampahaba ng buhok ng babae

Ang aloe vera ay nakatutulong sa pagtubo ng buhok at pag-iwas sa paglagas nito. Nababawasan din nito ang pagkakaroon ng balakubak at nagpapanauli ng natural na kintab.

Maglagay ng sariwang gulaman ng aloe vera na may kaunting kalamnsi sa buhok at hayaan ito sa loob ng 20 minuto. Gawin ito ng dalawang beses kada linggo.

Pwede mo namang paghaluin ang aloe vera at gata ng niyog at ilagay ito sa buhok. Uminom din ng aloe vera juice ng regular.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano ang Mabilis na Pampahaba ng Buhok ng Babae
4.7 (94.29%) 7 votes