nandito ka
Mga Paraan Para Labanan ang mga Pampanipis ng Buhok featured Tips Para Gumanda 

Mga Paraan Para Labanan ang mga Pampanipis ng Buhok

Wala na sigurong mas gaganda pa sa makapal na buhok na kumikintab-kintab dahil sa ito ay malusog. Subalit ang pagnipis ng buhok ay problema sa maraming mga tao, babae man o lalaki. Gusto mo bang malaman ang mga bagay na pampanipis ng buhok na dapat mong iwasan? Basahin moa ng artikulong ito para makaiwas ka sa sa pagdami ng iyong patay na buhok!

Mga salik na pampanipis ng buhok

May iba’t ibang salik kung bakit numinipis ang buhok ng marami sa ngayon. Ang ilan sa mga karaniwang dahilan ay ang epekto ng kapaligiran, pagtanda, sobrang paninigarilyo, kakulangan sa nutrisyon, hormonal imbalance, mga salik na namamana, impeksyon sa anit, maling paggamit ng mga produkto sa buhok na may matapang na kemikal, pag inom ng isang uri ng gamot, pagkakaroon ng isang partikular na karamdaman tulad ng sakit sa thyroid, sakit sa immune system, bukol sa obaryo, anemia at pang-matagalang sakit tulad ng diabetes. Ang lahat ng ito ay dahilan ng pagkakaroon ng patay na buhok.

Tinatayang humigit kumulang 100,000 hibla ng buhok ang nasa anit mo. Normal lang na malagasan ka ng 50 hanggang 100 na hibla bawat araw. Pero kung mag-umpisa ka nang malagasan ng higit diyan, kailangan mo nang gumawa ng aksyon para labanan ang mga pampanipis ng buhok mo para hindi ito mauwi sa pagkakalbo o pagkapanot. Maraming mga paraan at sangkap na pwedeng panglaban sa mga pampanipis ng buhok na pwede mong gamitin sa bahay.

Mga dapat gawin para malabanan ang pagnipis ng buhok

Narito ang ilan sa mga paraan para labanan ang mga salik na pampanipis ng buhok. Pwede mo itong subukan ngayon din!

Pagmamasahe ng anit. Ang unang hakbang para mabawasan ang patay na buhok ay ang pagmasahe sa anit gamit ang tamang hair oil. Ang tamang pagmamasahe sa buhok at anit ay magdaragdag sa daloy ng dugo sa mga hair follicle, kinukundisyon ang anit, at nagdaragdag ng tatag sa mga ugat ng mga hibla buhok.

Pwede kang gumamit ng coconut oil, olive oil, castor oil at iba pang langis na plant based. Patakan ito ng rosemary oil para mas maganda at mas mabilis ang pagtubo ng buhok.

Masahehin ang buhok at anit gamit ang alin man sa mga langis na nabanggit sa itaas na linalagyan ng konting diin gamit ang dulo ng mga daliri. Gawin ito isang beses kada linggo.

Juice na gawa sa sibuyas. Ang juice na gawa sa sibuyas ay magaling na panlaban sa mga pampanipis ng buhok dahil ito ay nagtataglay ng mataas na sulfur content na tulong para mapabuti ang sirkulasyon ng dugo sa mga hair follicle, patubuing muli ang patay na buhok at bawasan ang pamamaga.

Ang anti-bacterial property na nasa sibuyas ay pumapatay ng mga mikrobyo at parasito, gumagamot sa mga impeksyon sa anit na pwedeng maging sanhi ng pagnipis ng buhok.

Pagain ang isang piraso ng bawang at kunin ang katas. Ipahid ang katas direkta sa anit. Hayaan ito sa loob ng 30 minuto at banlawan. Huwag kalimutang magshampoo pagkatapos.

Aloe vera laban sa pampanipis ng buhok. Ang aloe vera ay nagtataglay ng mga enzymes na direktang nagpapalago sa buhok. Ang kakayahan nitong mag neutralize ng pagiging acidic ng anit ay mas nakapagpapalusog sap ag tubo ng buhok.

Ang regular na paggamit nito ay nakapag-aalis ng pangangati ng anit, pamumula at pamamaga nito. Nakadaragdag din ito ng tatag ng buhok at nakakaiwas sa patay na buhok. Sa aloe vera, pwede mong gamitin ang gel bilang pamahid sa anit at ang aloe vera juice bilang inumin.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga Paraan Para Labanan ang mga Pampanipis ng Buhok
3 (60%) 6 votes