nandito ka
Mga Paraang Pampaputi Ng Singit Tips Para Pumuti 

Mga Paraang Pampaputi Ng Singit

Ang pagsusuot ng bikini, shorts at mini skirt ay nagiging uso na rin sa Pilipinas, lalo na kung panahon ng tag init. Subalit para mga kababaihan na may maitin na singit, ang pagsuot ng ganyang mga kasuotan ay isang malaking kahihiyan.

Ang pangingitim ng singit ay isang seryosong problema ng mga kababaihan na maaaring magdulot ng pagkapahiya, subalit ito ay hindi naman malubhang sakit.

Ang pangingitim ng singit ay maaaring dahil sa ilang dahilan. Ang isa sa pinakadahilan nito ay ang pagiging namamana nito o genetic. May mga tao na sadyang madaling mangitim ang singit kumpara sa iba. Ang ilan sa mga dahilan ay ang sobrang pagkahantad sa mapanganib na ultraviolet rays, pagkakaroon ng ilang partikular na mga karamdaman, regular na pag ahit at ang pagkagasgas ng mga hita dahil sa palagiang pagsusuot ng masisikip na shorts at pantalon. Ang sobrang pagpapawis at pagkaipon ng mga dead skin cells ay makapagpapalala ng pangingitim.

Dahil sa ang balat sa singit ay napakasinsitibo, hindi naming irinerekomenda ang paggamit ng mga produktong pampaputi ng balat na yari sa kemikal.

Mga pamamaraang natural na pampaputi ng singit

Maitim baa ng singit mo? Hindi ito nangangahulugan na habambuhay ng maitim ang singit mo at mahihiya ka nang magsuot ng bikini o shorts magpakailanman! Pwede mong gawin ang mga sumusunod na paraan para pumuti ang singit sa bahay, gamit ang mga sangkap na madali mong makuha sa kusina!

Marami kang natural na paraan na pwedeng pagpilian para paputiin ang iyong singit. Ang epekto ng mga pamamaraang ito ay hindi biglaan, kaya kailangan mong magsimula na ngayon at magkaroon ng mahabang pasensya para sa bandang huli, makita mo ang magandang resulta.

Narito ang ilan sa natural na mga pamamaraan pampaputi ng singit:

Aloe vera: reyna ng mga pampaputi!

Oo, ang aloe vera ang pinaka sikat na natural na sangkap pampaputi! Kung ito ay gagamitin mo ng palagian, makakatulong ito saiyo na magkaroon ng mas maputing singit at buburahin nito ang mga patse-patse sa balat. Ito ay nakakatulong din sa pagpapanumbalik ng mga nasirang selula at tissues.

Kailangan mo ng isang buong dahon ng aloe vera. Kunin moa ng gulaman nito at diraktang ipahid sa singit. Hayaan ito sa balat sa loob ng 20 minuto at banlawan ng malinis na tubig. Gawin ang prosesong ito araw araw para sa mas mabilis na resulta.

Kalamansi, pampaputi ng singit?

Ang kalamansi ay hindi lamang pangkusina, ito ay isang sangkap na kaya ring magpaputi ng balat kahit pa sa pinakamaitim na singit na alam mo, salamat na lang sa pagiging acidic nito. Ang vitamin C na nasa kalamansi ay tutumutulong para alisin ang patay na mga selula ng balat at palitan ito ng bago anupa’t nagiging mas maputi ang balat.

Gawin araw-araw ang pamamaraan ito para sa mas mabilis na epekto:

Hatiin sa dalawa ang isang katamtamang laking kalamansi at ikuskos ito sa singit sa loob ng dalawang minuto. Hayaan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. Banlawan ng maligamgam na tubig.

Pwede mo namang subukan ito. Paghaluin ang katas ng isang buong kalamnsi sa isang kutsarang yogurt at kalahating kutsarita ng honey. Ipahid ito sa singit hayaan ito sa loob ng 10 minuto at banlawan ng malinis na tubig.

Ang kalamansi ay makapagpapatuyo ng balat kayat huwag kalimutang mag lagay ng moisturizer.

Tandaan: huwag kang magpapahid ng kalamansi sa may bikini area kung ikaw ay nagpa-wax. Huwag ka ring magbibilad sa araw ng dalawang araw kung ikaw ay gumamit ng kalamansi treatment.

Katas ng pipino para sa singit

Ang katas ng pipino ay hindi lamang pala pagkain o pantapal sa mata para mawala ang eye bags, ito ay isa rin sa mabisang sangkap na pampaputi ng singit. Ang vitamin A na nasa pipino ay nakatutulong para nabawasan ang pangingitim ng balat sa singit sa pamamagitan ng pagkontrol sa sobrang produksyon ng melanin.

Ang pipino ay kilala ring moisturizer, na tulong sa pagpapanatili ng malambot at kaakit akit na balat.

Pigain at kunin ang katas ng kalahating piraso ng pipino at ipahid ito sa singit at mga kalapit na bahagi ng katawan. Hayaan ito sa loob ng 10 hanggang 15 minuto at banlawan ng malinis na tubig. Gawin ito ng dalawang beses kada araw para sa mas mabilis na pagputi ng singit.

Pwede mo namang subukan ito: maghalo ng dalawang kutsara ng katas ng pipino at kalahating kutsara ng katas ng kalamansi. Ipahid ang pinaghalong sangkap sa maitim na singit. Hayaan ito sa loob ng sampung minuto at banlawan pagkatapos. Gawin ito isang beses araw araw.

Huwag itapon ang balat ng orange, pwede yang pampaputi ng singit!

Imbes na itapon ang balat kapag kumakain ng orange, pwede mo itong itago at gamiting pampaputi ng singit. Ang balat ng kahel ay isang natural na bleaching agent at tumutulong sa paputiin ang maiitim na patse sa balat. Gamot din ito sa balat na umitim dahil sa pagkabilad sa araw.

Bakit ang balat at hindi nalang ang mismong laman? Ito ay dahil sa ang balat ng kahel ay mas mayaman sa vitamin C kumpara sa mismong laman nito. Ang vitamin C ay may malaking papel sa paglaban sa mga free radicals na sumisira sa maaayos na paggana ng mga selula ng balat na siyang dahilan kung bakit maganda at malambot ang balat.

Kunin ang balat ng dalawang piraso ng kahel at ibilad ito sa araw. Dikdikin ito ng pinong pino hanggang maging pulbos kung ito ay tuyo na.

Maghalo ng isang kutsarita ng balat ng kahel sa dalawang kutsara ng yogurt. Pwede ka namang maghao ng kaunting honey.

Ipahid ito sa maitim na singit, hayaan itong matuyo at hinludin gamit ang kamay. Banlawan ng preskong tubig. Gawin ito ng ilang beses bawat linggo.

Kamatis

Ang kamatis ay may kakayahang magpaputi dahil sa taglay nitong bleaching properties. Ang lycopene na nasa kamatis ay kilalang anti oxidant na tumutulong para ayusin ang pinsala na dala ng matinding sikat ng araw. Inaaalis din nito ang mga patay na selula ng balat na dahilan ng pangigitim ng singit at iba pang bahagi ng katawan.

Ikuskos ang isang piraso ng kamatis sa singit sa loob ng dalawang minuto. Hayaan ang katas sa balat sa loob ng sampung minuto at banlawan ng malinis na tubig pagkatapos. Gawin ito isang beses kada araw.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Mga Paraang Pampaputi Ng Singit
4.5 (90.67%) 15 votes