nandito ka
Apat Na Mabisang Sangkap Pampaputi Ng Tuhod Tips Para Pumuti 

Apat Na Mabisang Sangkap Pampaputi Ng Tuhod

Ang pagkakaroon ng maitim na tuhod o siko ay nakakahiya lalo na sa mga kababaihan. Bagaman ang maitim na tuhod ay hindi naman sakit na ikamamatay, ito ay nagiging hadlang saiyo na maisuot ang mga damit na gusto mo at maaaring malimitahan ang iyong kilos at galaw.

Naghahanap ka ba ng mabisang paraan pampaputi ng tuhod at siko? Naglista kami ng ilang sangkap at pamamaraan pampaputi ng tuhod na maaari mong gamitin ngayon din.

Langis ng niyog, pampaputi ng tuhod

Ang langis ng niyog o coconut oil ay isang kilalang lunas sa pangingitim ng balat kasama na ang mga tuhod at siko. Ang sangkap na ito ay may taglay na vitamin E na makakatutulong para paputiin ang balat at panatilihin itong moisturized. Kaya din nitong ayusin ang mga nasirang balat.

Tuwing pagkatapos mong maligo, magpahid ng coconut oil sa mga tuhod at siko at imasahe ng isa o dalawang minuto. Gawin ito ng ilang ulit araw araw para maiwasan ang panunuyo.

Pwede mo namang subukang maghalo ng isang kutsaritang coconut oil at kalahating kutsara ng katas ng kalamansi. Ikuskos ito sa maitim na siko at tuhod at hayaan ito sa loob ng 15 hanggang 20 minuto. Punasan ito ng tissue o towel. Gawin ito ng isang beses kada araw.

Kalamansi sa maitim na tuhod

Ang kalamansi, tulad ng ibang kasama sa uring citrus ay kilala na nagtataglay ng mga sangkap na pampaputi ng balat. Ito ay may mataas na antas ng vitamin C na tumutulong sa pag alis ng mga patay na selula ng balat at nakapagpapaputi ng maitim na balat.

Magphid ng katas ng kalamansi sa tuhod at siko at imasahe ito sa loob ng ilang minuto. Hayaan ito sa loob ng 20 minuto. Hugasang maaayos gamit ang maligamgam na tubig. Huwag kalimutang maglagay ng moisturizer pagkatapos nito.

Pwede ka namang maghalo ng katas ng apat na kalamansi at isang kutsara ng honey. Ipahid ito sa maitim na tuhod at siko at hayaan sa loob ng 20 minuto. Banlawan ng tubig pagkatapos.

Gawin ang alin man sa mga pamamaraang ito araw araw sa loob ng dalawang linggo. Tandaan na hindi pwedeng mabilad sa araw ang balat na pinahidan ng kalamansi.

Asukal, pampaputi ng tuhod?

Kung naghahanap ka ng mabisang paraan pampaputi ng tuhod at siko, pwede mong subukan ang paggamit ng asukal bilang body scrub. Ang mga butil ng asukal ay pwedeng gamitin bilang exfoliant na nagtatanggal ng mga dead skin cells at nakapagpapalambot din ng balat.

Maghalo ng magkatimbang na dami ng asukal at coconut oil. Ipahid ito sa tuhod sa loob ng limang minuto. Banlawan ng sabon at maligamgam na tubig.

Gawin ito araw araw hanggang sa pumuti ang iyong tuhod at siko.

Baking soda

Ang baking soda ay hindi lamang gamit sa paggawa ng cake at tinapay, gamit din itong panlinis sa balat kaya epektibo itong pampaputi ng tuhod. Nakakatulong ito sa pagtanggal ng mga patay na selula sa balat at nakapagpapabawas ito ng hyper-pigmentation na nabubuo sa mga tuhos at siko.

Maghalo ng isang kutsara ng gatas at baking soda. Imasahe ito sa maitim na tuhod at siko sa loob ng dalawa o tatlong minuto. Banlawan ito ng maligamgam na tubig at patuyuin.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Apat Na Mabisang Sangkap Pampaputi Ng Tuhod
3.9 (77.65%) 17 votes