nandito ka
Ano Ang Mabisang Pampawala ng Pimples? Tips Para Gumanda 

Ano Ang Mabisang Pampawala ng Pimples?

Ang tagywat o pimples ay isang pangkaraniwang kondisyoin sa balat. Ito ay dulot ng pamamaga ng balat dahil sa pagkaka-impeksyon ng oil glands. Kung ang glandulang ito ay ma-infect ng bacteria, ito ay mamaga at magkakaroon ng nana.

Kaya tama lamang na sabihing ang isa sa pinakadahilan ng pagkakaroon ng tagyawat ay ang pagiging oily o masebo ng mukha. Ang tagyawat ay maaaring tumubo sa mukha, leeg, likod at kahit na sa balikat.

Bagaman ang pimples ay hindi naman isang seryosong karamdaman na dapat na ikabahala, ang pagkakaroon ng pimples maaaring magpababa ng kompiyansa sa sarili ng mga taong meron nito. Baka isipin mong pinagtatawanan ka palagi ng mga taong makakasalubong mo kung ikaw ay may malalang kaso ng tagyawat.

Ang magandang balita, maraming nang paraan upang malunasan ang pagkakaroon ng pimples. Sa mga botika na malapit sa’yo, may mga gamot na pampawala ng pimples na maaari mong pagpilian. Pero tandaan, ang mga gamot pantanggal ng pimples na mabibili mo ay hindi gumagarantiya ng agarang solusyon, at dapat mo ring seryosong pag-isipan ang mga side effects na dala ng pagpahid o pag-inom ng naturang mga gamot.

Pag-usapan natin ang ilan sa mga natural na mga paraan na kilalang pantanggal ng pimples.

Gumamit ng yelo para sa pimples

Baka magtanong ka, yelo pampawala ng pimples? Opo, dahil may kakayahan ang yelo na pakalmahin ang balat sa sobrang pamumula at pamamaga. Ito rin ay may kakayahang isaayos ang sirkulasyon ng dugo sa apektadong bahagi ng balat. Pinakikipot din ng yelo ang mga butas ng balat habang inaalis nito ang mga naipong sebo sa loob nito. Pwede kang gumamit ng ice cubes o kaya naman ay dinurog na yelo, depende sa kung ano ang komportable sayo.

Kumuha ng yelo at ibalot ito sa kapirasong tela. Ipating ito sa balat na may namamagang tagyawat sa loob ng ilang sandali. Pagkatapos ay maghintay ng ilang minuto at ulitin ang pamamaraan hanggang sa maibsan ang pamamaga.

Katas ng kalamansi: pampawala ng pimples

Ang isa pang mabilis na paraan pangtanggal ng pimples ay ang paggamit ng katas ng kalamansi. Ang kalamansi ay kilalang mayaman sa vitamin C na may kakayahang patuyuin agad ang tagyawat. Gumamit ng sariwang katas ng kalamansi, hindi yung kalamansi na naproseso na dahil hindi na natin matitiyak ang kakayahan nitong pagalingin ang iying tagyawat.

Narito ang dalawang paraan ng paggamit ng kalamansi pantanggal ng tagyawat.

Kumuha ng ilang piraso ng kalamsi, hiwain at pigain ang katas nito. Ipahid ito sa tagyawat at hayaan sa loob ng magdamag. Sa umaga, banlawan ito ng maligamgam na tubig.

Tandaan lamang, huwag itong gagamitin kung sensitibo ang iyong balat.

Toothpaste pantanggal ng pimples

Alam mo ba na ang toothpaste na ginagamit mo para panlinis ng iyong mga ngipin ay pwede palang pangtanggal ng pimples? Ito ay napakagandang gamitin lalo na kung kasunod ng pamamaraang gingamitan ng yelo. Maghanap ka ng puting toothpaste hindi yung gel.

Magpahid ng toothpaste sa mukha na may tagyawat bago matulog. Sa umaga pagkagising, banlawan mo ang iyong mukha ng malinis na tubig. Makikita mo na talagang nagbawas ang pamamaga.

Kung gusto mo, maari mong gamitin ang toothpaste bilang pampawala ng pimples kahit sa umaga. Siguruhin lamang na magtatagal ang toothpaste sa balat ng mahigit 30 minuto o kalahating oras.

Singaw o steam: pampatanggal ng pimples

Ang steam o singaw ay isang napakagandang lunas para sa iyong balat, lalo na kung ikaw ay may tagyawat. Ang singaw ay siyang magbubukas ng mga baradong butas ng balat para ito ay makahinga ng maayos. Ito ay kailangan para maalis ang mga sebo, dumi at bacteria na naipon sa loob ng mga pores ng balat, na nagiging sanhi ng pamamaga.

Maglagay ng kumukulong tubig sa isang lalagyan, balde o palanggana ay pwede na. Hayaang dumantay ang mainit na singaw sa mukha sa loob ng ilang minuto.

Banlawan ng maligamgam na tubig ang iyong mukha at magpahid ng moisturizer.

Bawang, pampawala ng pimples

Ang bawang ay isang sangkap sa kusina na kilalang kilala na sa kakayahan nitong pumatay ng iba’t ibang uri ng mikrobyo sa balat. Ang bawang ay isang mabilis nagamot para sa pimples. Ang sulfur o asupre na nasa bawang ay siyang dahilan ng pagiging mabisa nito laban sa tagyawat.

Hiwain ang isang piraso ng bawang sa dalawang bahagi. Ikuskos ang kalahating bawang bawang sa mukha at hayaan ito sa loob ng limang minuto at banlawan ng maligamgam na tubig.

Ulitin ang pamamaraang ito dalawang beses kada araw.

Kung gusto mo, pwede mo namang kainin ng hilaw ang bawang! Kumuha ng isang piraso ng bawang at nguyain ito. Kung hindi mo kaya ang masangsang na amoy nito, makabibili ka ng garlic pills sa pinaka malapit na botika sa inyong lugar. Pwede mo rin namang damihan ang bawang sa linuluto mong ulam. Bukod sa ito ay pampatagal ng pimples ito ay makatutulong din sap ag papanumbalik ng normal na presyon ng dugo. Mag ingat lamang, huwag kakain ng hilaw na bawang kung alam mong hindi ka hiyang dito.

Paano makakaiwas sa pimples?

Ang pagkakaroon ng pimples o tagyawat ay hindi naman isang malalang sakit. Pero ang pagkakaroon nito ay maaaring magdulot ng permanenteng peklat. Kaya bago pa pag isipan kung ano ang mabisang pampawala ng pimples, isagawa mo muna ang ilang mga bagay para makaiwas ka sa pimples.

Maghugas ng mukha dalawang beses kada araw. Ito ay mahalaga sapagkat aalisin nito ang sobrang sebo at mga kumapit na dumi o mikrobyo sa mga butas ng iyong balat. Tandaan lamang na ang sobrang paghilamos o pagkuskos sa mukha ay maaari ding makasira kaya mahalagang magdahan dahan sa paghihilamos o pag hugas ng mukha.

Mahalaga rin ang paggamit ng a noncomedogenic moisturizer, isang uri ng moisturizer na walang sangkap na maaaring magdulot o magpalala ng pimples.

Iwasan ang madalas na paghawak sa mukha o pagpisa ng tagyawat. Ito ay maaaring makahawa sa ibang bahagi ng balat o magdulot pa nga ng matinding impeksyon.

Mas maganda kung gagamit ka ng exfoliant o mask isang beses tuwing linggo. Makatutulong ito na malinis ang iyong balat at mabura ang mga marka o peklat na dala ng pimples.

Protektahan ang balat lalo na ang balat sa mukha laban sa sikat ng araw. Gumamit ng sunblock para maiwasan ang pimples at pagkasira ng balat.

Uminom ng maraming tubig araw-araw para manatili ang moisture ng iyong balat.

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Ano Ang Mabisang Pampawala ng Pimples?
4.3 (86.67%) 21 votes