nandito ka
Rebond ng Buhok: Paano maging straight ang Buhok? featured Tips Para Gumanda 

Rebond ng Buhok: Paano maging straight ang Buhok?

Naa sa taong 2017 na tayo at sadyang napakarami na ang nagbago. Dulot ng teknolohiya, hindi mon a kailangang umakyat sa niyog at magbabad ng gata nito upang mapaganda ang iyong buhok. Pupunta ka na lang ng tindahan at bibili ng shampoo at conditioner sa brand na iyong pinagkakatiwalaan. Ngayon, samu’t saring mga paraan ang iyong natutuklasan sa pagpapaganda lalo na sa pag-alaga sa buhok ng mga kababaihan. Kung iyong maaalala, nauso ang plantsa noon sa buhok upang maging pansamantalang straight ang iyong buhok. Hanggang dumating ang relax treatment na kung saan ay gagamit ng mga gamut sa pagpapastraight ng iyong buhok. Ngunit sa araw na ito ay mas marami na ang tumatangkilik sa kung tawagin natin ay hair rebonding.

Ano nga ba ang hair rebond?

Ang pagrerebond ng buhok ay isang paraan ng paglalagay ng mga gamot o kemikal na angkop sa pagrerebond upang maging bagsak, makintab, at magmukhang masigla ang hibla ng iyong mga buhok. Ayon sa mga parlorista, ang tagal ng epekto nito ay hanggang 6 na buwan.

Ito ang pinakabagong paraan upang maging straight ang iyong buhok. Kahit mas may kamahalan ang hair rebond kumpara sa hair relax, mas maganda at mas matagal ang epekto nito sa buhok.

Mga Gamot pang Rebond ng Buhok na madalas Gamitin sa salon

  • Schwarzkopf Strait Treatment
  • Matrix Opti Care Intense Smooth
  • Wella Professional Straighten It
  • Shiseido Crystallizing Cream
  • Schwarzkopf Glatt
  • Matrix Opti Care

Pampa straight ng Buhok

Bago magsimula sa proseso ng hair rebonding, siguraduhing i-prepara ang mga sumusunod na kagamitan.

  • Hair Rebonding Kit
  • Cermamic o Titanium plated na plantsa sa buhok
  • Mild Shampoo at hindi tulad ng mga anti-dandruff na uri nito (halimbawa: Pantene Pro V, Sunsilk)
  • Gwantes na pang-salon at applicatorbrush
  • Mga hair clips at lumang t-shirt

Paano mag rebond ng Buhok?

  1. Paliguan ang iyong buhok ng mild shampoo at huwag ng maglagay ng hair conditioner pagkatapos.
  2. Patuyuin ang buhok gamit ang hair blower.
  3. Paghiwa-hiwalayin ang iyong buhok gamit ang suklay. Pabilisin ang proseso sa paggamit ng hair clip sa paghihiwalay ng buhok.
  4. Ipahid ang relaxant o cream softener sa buhok. Huwag kalimutang magsuot ng guwantes habang ginagawa ito. Madalas na hinahayaan ito sa buhok ng hanggang 30 minuto. Ngunit mas mabutihing basahin ang mga paalala o tamang direksyon ng paggamit nito na nakasulat sa rebonding kit.
  5. Gamitan ng hair steamer ang buhok at i-steam ito sa loob ng 10 hanggang 30 minuto. Kung wala kang hair steamer, maari kang gumamit ng tuwalya o bimpo at ilublob ito sa mainit tubig. Pigain ang bimpo at ibalot sa buhok. Muling paalala, depende sa gamit mong kit kung gaano katagal mong ibabalot ng mainit na bimpo ang iyong buhok.
  6. Banlawan ang relaxant na ipinahid sa buhok at patuyuin ang buhok gamit ang dryer.
  7. Lagyan ng keratin lotion ang lahat na bahagi ng buhok.
  8. Platsahin ang buhok hanggang maunat o straight na ito.
  9. Sa muli, paghiwa-hiwalayin ulit ang iyong buhok katulad ng nabanggit sa ikatlong hakbang. Ipahid ang neutralizer sa iyong buhok sa bawat parte ng nakahiwa-hiwalayng buhok. Hayaan ito hanggang 30 minuto.
  10. Banlawan ang iyong buhok ng malamig na tubig at patuyuin gamit ang blow dryer.
  11. Plantsahin ang buhok gamit ang flat iron hanggang sa maging bagsak, makintab,at straight na ito.

    Kung susundin lamang ang mga hakbang na ito, maiiwasan mong maranasan ang masama at pangit na epekto ng maling pare-rebond ng buhok.

    At ngayon, pwede mo ng maipakita ang iyong maganda at super straight na buhok. Achieve na achieve!

Gaano kapakipakinabang ang artikulong ito?

Rebond ng Buhok: Paano maging straight ang Buhok?
4 (80%) 2 votes