Tips Para Gumanda 

Paano Maalis Ang Peklat: Mura At Mabilis Na Paraan Pataggal Ng Peklat


ad

Kapag masugatan ang balat, mabubuo ang tinatawag na scar tissue o fibrous tissue. Ito ay nabubuo sa paligid ng sugat para protektahan ang balat. Ito ay mauuwi sa pagkakaroon ng peklat. Maaari kang magkaroon ng peklat dahil sa mga aksidente, kagat ng insekto, galos, tagyawat, bulutong, sugat na galing sa operasyon at pagbabakuna.

Ang peklat ay nag iiba iba sa hugis at sukat. Ang pagkakaroon nito ay maaaring makaapekto sa itsura mo at sa pakikisama mo sa ibang tao.

Kaya ng katawan mo na pakisamahan ang mga peklat. Sa pag daan ng panahon, ang peklat at maaaring dahan dahang mawala na lamang. May mga paraan para mapadali ang paghilom ng peklat gamit ang mga pamamaraang natural na pwede mong isagawa sa bahay mo. Ang mga pamamaraang aming ituturo saiyo ay nakapukos sa pagpapadami ng mga selula, pagpapaliit ng peklat at pagpapaganda ng kutis.

Tandaan na wala pang naiimbentong paraan para lubusang burahin ang peklat. Ang mga paraan ng paggamot maging ito ay medikal man o natural ay ginagawa lamang hindi masyadong mahalata ang peklat. Bago mo gawin ang mga ituturo namin saiyo, siguraduhing malinis ang balat na may peklat.

Maging disidido at mapasensya. Ang pag aalis ng peklat ay maaaring magtagal depende sa hugis, laki at uri ng peklat. Ang mga pamamaraan para alisin ang peklat ay maaaring hindi epektibo sa lahat ng tao.

Narito ang ilan sa mga mabisang paraan pantanggal ng peklat.

Aloe vera – Mabisang Pantanggal ng Peklat

Ang aloe vera ay isang natural na pang tanggal ng peklat dahil sa taglay nitong mga sangkap na nakapagpapabawas ng pamamaga at pampatay ng mga mikrobyo. Nakakatulong din ito sa pagpaparami at pagpapalusog ng mga nasirang selula sa balat kaya ito ay nakapagpapaganda ng kutis.

Alisin ang panlabas na berdeng balat ng dahon ng aloe vera at kunin ang mala gulaman na laman ng dahon. Ipahid ang gulaman sa balat at ikuskos ito ng pabilog sa peklat. Hayaan ng 30 minuto at banlawan ng malamig na tubigt. Gawin ito ng dalawang ulit araw araw. Tandaan: Huwag maglalagay ng aloe vera sa bukas na sugat.

Virgin coconut oil para sa peklat

Ang virgin coconut oil ay isang pambihirang sangkap na pantanggal peklat. Ito ay nakapagpapabilis ng pagkupas ng mga peklat sa balat. Ito ay dahil sa taglay nitong vitamin E na kilalang anti oxidant. Ang vitamin E sa virgin coconut oil ay nakakatulong din na maiwasan ang pag kakabuo ng panibagong mga peklat. Karagdagan pa, ang mga sangkap na nasa langis ng niyog tulad ng lauriv, caprylic at capric acid ay nakapagpapabilis ng pagpapalabas ng collagen na nakapagpapanauli ng nasirang balat dahil sa aksidente o free radicals.

Mag init ng kaunting langis ng niyog o virgin coconut oil. Ilagay ang mainit init na langis sa mga palad at imasahe ito sa balat na may peklat sa loob ng lima hanggang sampung minuto. Hayaan ito ng isang oras sa balat para maabsorb ito ng peklat. Para sa mas mabilis na pagkawala ng peklat, gawin ito ng dalawa hanggang apat na ulit araw araw.

Vitamin E oil para sa peklat

Ang vitamin E oil ay may antioxidant na nakakatulong na pantanggal peklat. Meron din itong moisturizing property na nakapagpapanauli ng sigla sa balat at nakatutulong upang maisaayos ang nasirang balat. Napapabuti din ng paggamit ng vitamin E oil ang itsura ng peklat.

Buksan ang ilang piraso ng vitamin E capsule para makuha ang lamang oil. Ipahid ang oil sa peklat at imasahe ito sa loob ng sampung minuto. Hayaan ito ng 15 hanggang 20 minuto. Hugasan ito ng mlamig na tubig. Gawin ito ng ilang ulit araw araw.

Subukan mo muna ito sa balat. May mga tao kasi na allergic sa vitamin E oil. Kapag hindi ka nangati, pwede mo itong gamitin.

Olive oil, pang alis ng peklat

Nakagamit ka na ba ng olive oil sa pagluluto? Kung hindi pa, pagkakataon mo na itong makagamit ng mamahaling olive oil, hindi sa pagluluto ng ulam, kun sa pag tanggal ng nakakainis na peklat. Ang olive oil ay isang epektibong sangkap pantanggal peklat. Ito ay mayaman sa viatamin E at nakatutulong sa pagpapanatili ng makinis at malambot na balat. Ito ay nakatutulong din sa pagsasaayos ng mga nasirang balat. Para sa mas mabilis na epekto, gumamit ng extra virgin olive oil na available sa pinakamalapit na grocery store.

Maglagay ng mainit init na extra virgin olive oil sa balat na may peklat at imasahe ito ng pabilog. Maghintay ng 30 minuto at pahirin ang langis sa balat gamit ang malinis na tela o damit. Pwede mo namang hayaan ang langis sa balat mo ng magdamag. Gawin ito ng ilang ulit sa loob ng ilang araw hanggang sa makita mong naaalis na ang masamang kulay ng peklat mo.

Kalamasi juice Pantanggal Peklat

Ang kalamansi ay may taglay na alpha hydroxy acid, na may kakayahang gamutin ang iba’t ibang problema sa balat, kasama na ang peklat. Ang kalamansi ay nakaaalis ng dead skin cells at nakapag papanauli ng nasirang balat. Ang vitamin C sa kalamansi ay nagsasaayos din ng mga nasirang selula ng balat. Ito ay nakapagpapaputi ng kutis at mainam na gamitin para kumupas ang pangit na itsura ng balat.

Maglagay ng katas ng kalamansi sa balat na may peklat. Ang mga tao na may maselang balat ay maaaring gumamit ng katas ng kalamansi na may kahalong tubig o vitamin E oil sap ag lagay nito sa peklat. Mag hintay ng sampung minuto at banlawan ito ng malinis na tubig.

Honey para sa peklat

Gusto mo bang subukan ang mga nabanggit na paraan kung paano maalis ang peklat? Kung hindi ka pa nakakapili, narito ang huli sa aming listahan. Ang honey ay natural na moisturizer, na epektibong nakapagpapaalis ng peklat. Tumutulong ito para makaiwas sa pagkakaipon ng mga patay na selula sa balat at nakapagpapabilis ng pag tubo ng bagong mga tissue.

Maglagay ng honey sa peklat. Takpan ito ng benda o kapirasong tela sa magdamag. Kinabukasan, hugasan ito ng maligamgam na tubig. Ulitin ito bago matulog sa gabi.

Pwede mo namang subukan ang paghilod ng honey na may asukal. Imasahe ito sa balat na may peklat sa loob ng ilang minuto. Hugasan ito ng maligamgam na tubig pagkatapos. Patuyuin at maglagay ng moisturizer. Gawin ang pamamaraang ito na pantanggal peklat ng dalawang beses bawat linggo.


ad

KATULAD NA MGA ARTIKULO