Tips Para Gumanda 

Paano Maging Gwapo: Mga Simpleng Paraan Para Maging Isang Gwapong Lalaki

Gusto mo bang maging mas gwapo at nakakaakit? Sino na ba namang lalaki ang ayaw na maging gwapo. Sa panahon ngayon kasi na ang mga tao ay masyadong nahuhumaling sa kagandahan ng personal na itsura, marami ang bintaha ng pagiging gwapo o maganda. Halimbawa, kung gwapo ka, mas maganda ang buhay mo. Kung may liniligawan ka, mas madali mong makukuha ang kanyang atensyon pag gwapo ka. Kung nag aaplay ka ng trabaho, mas madali kang matanggap kung kaaya-aya ang itsura mo. May mga nagsasabing kung gwapo ka, mas madali kang yumaman. Kaya kung gustong gusto mong maging gwapo, hindi yan nakapagtataka. Ang problema lang, mahal ang maging gwapo sa panahon natin ngayon.

Pero ang nakakatuwa dahil may mga paraan na pwede mong gawin kung paano maging gwapo, kahit ngayon mismo! Tuturuan ka ng artikulong ito na maging gwapo sa pamamagitan ng simpleng mga paraan.

Gumamit ng moisturizer araw araw para maging gwapong lalaki

Kung naghahanap ka ng paraan kung paano maging gwapo sa loob na ng ilang panahon, malamang na palagi mong nakikita ang payo na maglagay ka ng moisturizer, subalit naglalagay ka ba? Ituring mo na ang paggamit ng moisturizer bilang pagkain ng iyong mukha. Ang moisyurizer ay nakakabawas ng iritasyon na dala ng pag ahit at pinananatili nito na balanse ang acidity ng balat. Sabagay, hindi naman kamahalan ang moisturizer at makabibili ka nito sa mga botika kahit saan. Hindi naman mahirap ang maglagay nito, gugugol ka lamang ng dalawang minuto para dito.

Tamang pang-ahit ng mga gwapong lalaki

Kung ang iyong mukha ay halatang namamaga tuwing matatapos kang mag ahit, baka kailangan mo na magpalit ng pang ahit at maghanap ng brand ng pang ahit na ginamit pa ng lolo mo. Ang makabagong pang ahit na may dalawa hanggang limang blade ay napaka epektibo sa putol ng mga buhok sa mukha, subalit ang paggamit nito ng palagian ay nakakaalis ng natural na langis sa balat na tutulong sana na hindi ka masugatan tuwing mag aahit ka. Kung bibili ka ng pang ahit, maghanap ka ng single blade. Kung wala kang makuha, hiramin mo ang pang ahit ng lolo mo.

Gumamit ng sunblock kung ikaw ay lalabas

Dahil sa nakapapaitim ang sobrang pagbibilad sa araw, ugaliin moa ng paglalagay ng sunblock tuwing lalabas ka at alam mong mabibilad ka. Ang paglalagay ng sunblock ay nakakatulong na mapabagal ang proseso ng pagtanda ng iyong balat. Ang paggamit nito ay hindi lamang para maging gwapo, matutulungan ka rin nitong makaiwas sa skin cancer.


Ads

Alagaan ang mga kamay at paa

Ang pag kakaroon ng maganda at malambot na mga kamay at paa ay napakahalaga kung gusto mong maging gwapo sa paningin ng iba. Ang mga kamay ay siyang parating unang nahahawakan ng mga tao kapag nakikipag kamay sa unang pagkakataon. Madalas ding mapansin ang itsura ng iyong mga paa.

Kaya hugasan ang mga ito ng tubig at sabon at linisin ang mga kuko gamit ang nail cutter. Gumamit ng moisturizer pagkatapos na maghugas ng mga kamay at paa. Kung hindi ka marunong mag saayos ng iyong kuko, kumuha ka ng marunong mag manicure at mag pedicure. Hindi naman mahal ang paggamit ng ganito kahalagang serbisyo.

Para maging gwapong lalaki, mag pa-facial paminsan minsan

Ang pagpapafacial ay maganda sa mukha dahil ito ay nakapag papabata. Ang facial ay proseso ng pag linis, pag masahe at pag hilod sa mukha gamit ang mamahalin at epektibong mga sangkap. Ang paminsan minsang pag bisita sa facial spa ay hindi lang nakapag papagwapo, nakapag papaganda pa ito ng pakiramdam.

Paputiin ang mga ngipin

Ang dilaw at hindi malinis na mga ngipin na pangit ang iyong kaugalian sa paglilinis ng iyong katawan. Ang pagkakaroon ng maputing ngipin ay hindi lamang isang simpleng bagay, ito ay nagdidkta rin sa mga pangyayari tulad ng pakikipagdate at pag kakaroon ng magandang karera sa trabaho. Ang pinakamagandang paraan para magkaroon ng maputing ngipin bukod sa regular na pag sipilyo ay ang pagbisita sa dentista sa bawat anim na buwan para sa paglilinis at check up.

Maging mabango

Ang pagiging mabango ay isa sa pinakamadaling paraan para maging gwapo. Maligo araw araw gamit ang mabangong sabon pampaligo. Huwag kalimutang gumait ng deodorant at pabango. Labhan ng mabuti ang mga damit, kung wala kang panahong maglaba, pwede mo itong palabhan sa laundry shop. Pero ang maganda ay magkaroon ka ng signature scent, na kapag naamoy ng mga tao ang isang uri ng pabango, alam nilang ikaw yan. Ito ay makakatulong na magkaroon ka ng sariling pagkakakilanlan.

Maghilamos ng tama

Ang tamang paghilamos ng mukha ay depende sa kung anong uri ng balat meron ka. Kung ikaw ay may pimples, gumamit ka ng produktong para sa pimples. Walang bayad sa madalas na paghihilamos, kaya pwede mo itong gawin kahit saan, kahit kailan. Kung maselan ang balat mo, limitahan moa ng sobrang paghilamos ng mukha at piliin mo rin ang sabon o produktong gagamitin mo. May mga tao kasing lalong lumalala ang tagyawat kapag masyadong naghihilamos.

Huwag magpapawis ng husto

Normal lamang sa isang tao na pagpawisan, lalo na sa ating mga lalaki. Pero iwasan mo na maging ma oily dahil sa sobrang pag papawis. Ayon sa mga dalubhasa, ang pag lilimita sap ag inom ng kape at softdrinks ay nakapagpapabawas sa sobrang pagpapawis. Kung problema mo ito, makakatulong ang ilang beses nap ag paligo bawat araw at regular na paggamit ng deodorant.

Kumuha ng magaling na barber

Ito ang kaunaunahang paraan kung paano maging gwapo, kumuha ka ng magaling na barbero. Para kapag pumalya ang mga paraan na napag usapan natin sa unahan ng artikulong ito, sa paano man ay gwapo ka parin dahil saiyong magandang gupit. Maghanap ka ng barbering naiintindihan ang gupit na gusto mo, na alam kung ano ang lifestyle mo at kayang ibagay saiyo ang buhok mo. Kapag gusto mo ang gupit ng barbero saiyo, bumalik ka sa susunod na buwan para magpagupit ulit. Kapag nakita mong hindi pabago bago ang paraan ng kanyang paggupit, nakuha mo na ang barber mo. Magbigay ng tip sa berbero para pagbutihan niya pa lalo sa susunod na pag bisita mo. Isa pa, ang gwapong lalaki ay hindi kuripot!


Ads

KATULAD NA MGA ARTIKULO