Tips Para Gumanda 

Paano Maging Maganda: Mga Tips Para Sa Natural Na Kagandahan

Sa panahon ngayon na masyadong nahuhumaling ang mga tao sa panlabas na kagandahan, ang lahat ay nagkukumahog para maging maganda at kaakit akit. Bakit nga ba hindi mo subukang gumanda? Baka rin natatakot na maging sobra ang maging effort mo at magmukha ka namang artipisyal. Ang artikulong ito ay magtatampok sa mga paraan kung paano maging maganda sa natural na paraan.

Manalig na ikaw ay maganda

Wala nang mas maganda pa sa paniniwala mo na ikaw ay maganda. Magagawa mo ito sa pamamagitan ng pagkain ng tama at pagkakaroon ng sapat na ehersisyo. Magsimula sa paglalakad kasama ang mga kaibigan, pagsasayaw o pag jogging tuwing umaga.

Mahalin ang iyong balat

Mahalin mo ang iyong mukha. Pag aralang tanggapin at mahalin ang iyong kutis kahit pa hindi ito kaakit akit at pantay ang kulay. Pwede kang gumamit ng mga produktong pampaganda ng balat tulad ng sabong may shea butter.

Gamutin ang pamamaga ng iyong pimples may mga produktong nabibili para mas mabilis na mawala ang iyong tagyawat. May natural na mga pamamaraan kang makikita sa website na ito kung paano mawala ang pimples.

Huwag kakalimutang maglagay ng moisturizer pagkatapos mong maghilamos, kung napapansin mong tuyo ang balat mo, o kaya sa gabi bago ka matulog.


Ads

Kumain ng maraming gulay at prutas para makakuha ka ng sapat na vitamin C at D. Regular na mag exfoliate ng balat ng hindi lalagpas ng dalawa bawat linggo. Huwag sosobrahan ang paggamit ng exfoliant dahil magmumukha kang bruha pag nabilad ka sa araw.

Maghilamos ng ng malamig na tubig gamit ang paborito mong facial cleanser na hindi naglalaman ng alcohol. Maglagay ng sunblock kahit na hindi maaaraw basta alam mong lalabas ka ng bahay o opisina na walang dalang payong.

Alagaan ang buhok

Para sa ilan, ang pagkukulay ng buhok ay isang paraan para mas mapansin ng ibang tao at magkaroon ng bagong itsura. Kung gusto mong kulayan ang iyong buhok, gumamit ka ng pangkulay na walang sangkap na ammonia o magtanong sa parlor kung meron silang pangkulay na walang ammonia. Gumamit ng hindi permanenteng pangkulay. Mahalin mo ang natural na kulay at itsura ng iyong buhok. Walang buhok na hindi maganda. Iwasan ang paggamit ng plantsa at pangkulot. Magbasa ng higit pa tungkol sa mga pamamaraan ng pagpapaganda ng buhok.

Paputiin ang mga ngipin

Magsipilyo ng regular para pumuti ang ngipin. Ang pagsisipilyo ng hindi bababa sa dalawang beses kada araw at paggamit ng mouth wash kasunod nito ay siyang pinakang sekreto ng pagkakaroon ng maganda at maputing ngipin. Gumamit din dental floss bago matulog sa gabi. Magnguya ng sugar free na chewing gum para dumami ang laway na magpapaliit ng posibilidad ng pagkakaroon ng nabubulok na ngipin. Magbisita sa dentista kada anim na buwan para sa checkup at pagpapalinis ng ngipin. Umiwas sa maiinit at acidic na mga inumin para maiwasan ang pagkasira ng enamel ng ngipin.

Limitahan ang paggamit ng make up

Maging proud sa natural mong kagandahan sa pamamagitan ng paglilimita ng paggamit ng make up. Karamihan sa mga make up ay sinusubukan gamit ang mga hayop kaya hindi tayo nakasisiguro na ang mga ito ay safe na gamitin ng mga tao. Napag alaman ng mga dalubhasa na nakasisira ng balata ng matagal na paggamit ng make up.

Mag ehersisyo para gumanda

Maging maselan sa itsura ng katawan mo, huwag mong maging sobra ang iyong taba sa katawan. Hindi mo namang kailangang sundin ang pambihirang mga diet na nakikita mo sa TV o sumali sa mga health clubs na nagsusulputan sa panahon natin ngayon.

Mag ehersisyo sa paraan na gusto mo, yun bang para ka lang naglalaro. Hindi mo naman ito kailangang gawin ng napakaseryoso. Kaya kung gusto mong ipasyal ang iyong aso, tumakbo, umakyat ng bundok, magbisikleta o sumayaw; ang paggawa ng mga aktibidad na gusto mo ay ituring mo nang ehersisyo. Ang mahalaga ay mabawan ang kaloriya sa katawan mo na nakukuha sa sobrang pagkain. Isa pa, ang pag eehersisyo ay nakakatulong upang mas lumigaya ka sa buhay, dahil ito ay nagpapalabas ng hormones na komukontrol sa stress at depresyon na kilala bilang endorphins.

Matulog ng sapat para maging maganda

Kung talagang gusto mong gumanda, kailangan mo ang sapat na tulog at pahinga, ngunit nakalulungkot dahil bibihira lang sa mga pinoy na nagtatrabaho ang nakakakuha ng sapat na pahinga. Kapag matutulog ka gawing tunguhin ang pag tulog ng 6 at halahating oras, at kung mapasarap ang tulog mo, hustuhin ito ng siyam hanggang sampung oras.

Gumawa ng schedule ng pagtulog at huwag ka nang kakain ng dalawang oras bago ka humiga. Iwasan ang pag inom ng kape sa gabi. Kapag uminom ka ng kape isang oras bago ka matulog, siguradong hindi ka dadalawin ng antok.

Kapag hindi ka makatulog, mag isip ng paraan para marelax ang katawan, ang pag hinga ng malalim sa loob ng ilang minuto ay siyang pinaka magandang paraan. Kung may gumugulo sa isip mo kayat hindi ka makatulog, isipin mong ang iyong mga ikinababahala ay parang malalaking mga isda na hinuhuli mo ng dahan dahan. May mga tao rin na inaalala ang magagandang mga pangyayari sa kanilang buhay para makatulog. Pwede kang mag isip ng positibong bagay para maging mahimbing ang tulog mo.

May mga nakakarelax na musika na pwede mong patugtugin. Kung may internet ka sa bahay, mag log on ka sa YouTube at maghanap ka ng musikang makapagpapatulog saiyo.

Ang huling solusyon? Komunsulta ka sa doktor para mabigyan ka ng gamot para sa insomnia. Ang melatonin ay isang gamot na pampatulog na hindi nakaka adik. Magtanong sa doktor kung anong gamot ang babagay saiyo.


Ads

KATULAD NA MGA ARTIKULO