Tips Para Gumanda 

Paano Mawala Ang Eyebags: Simpleng Mga Paraan Para Sa Eyebags


ad

Naghahanap ka ba ng mga paraan kung paano mawala ang eyebags mo? Ang mga sintomas ng pagkakaroon ng eyebags ay nagsasabi na ang iyong mga mata ay pagod na pagod. Ang pangingitim sa gilid ng mga mata ay sanhi ng kakulangan sa tulad o kaya ay pag iyak ng matagal. Ang balat na nakapaligid sa mga mata mo ay napaka nipis kaya ito ay sensitibo. Ito rin ay naglalaman maliliit na ugat. Ang stress, kakulangan sa tulog at iba pa ay nakakaapekto sa balat na nakapaligid sa mata mo at nagiging sanhi ng pagkakaipon ng tubig sa balat kaya ka nagkakaroon ng eyebag. Ang pagtanda ay isa rin sa pinaka sanhi ng pagkakaroon ng kundisyong ito. Ang sobrang pagtaba ay dahilan din ng pagkakaroon ng eye bag. Kung nagtatanong ka kung paano ba maaalis ang eye bag mo, narito ang ilan sa magagawa mo kahit nasa bahay ka lang.

Gumamit ng pinalamig na tea bag para sa eyebag

Kapag bumangon ka sa umaga at napansin mong nagingitim ang paligid ng iyong mga mata at ayaw mong makita ito ng mga tao, kumuha ka ng gamit na tea bag at ilagay ito sa refrigerator para lumamig. Mahiga ka ulit at ilagay ang tea bag sa mga mata mo. Hayaang nakapatong ang tea bag sa mga mata sa loob ng 20 hanggang 30 minuto. Hugasan ang mga mata sa malamig na tubig pagkatapos nito. Mararamdaman mo na para bang nakapagpahinga ng maayos ang mga mata mo. Gumamit ka ng tsaa na mabibili sa tindahan. Ang caffeine na nasa tsaa ay siyang magpapakipot sa mga ugat na daanan ng dugo sa paligid ng iyong mata. Dahil dito, mababawasan ang pangingitim at pamamaga.

Gumamit ng pipino para sa eyebag

Ito ay isa sa pinaka tanyag na pamamaraan kung paano mawala ang eyebags. Dahil sa ito’y epektibo, ginagamit ito sa buong mundo bilang lunas sa pamamaga ng mga mata. Ang natural na lamig na nasa pipino ay magbibigay sa mga mata ng kinakailangan nitong pahinga. Meron din itong angkap na nag aalis ng pamamaga ng balat.

Kumuha ng dalawang maninipis na hiwa ng pinalamig na pipino at ilagay ito sa mga mata mo. Mahiga na nakapatong sa mga mata ang pipino sa loob ng 25 minuto. Ang paggawa nito ay magbibigay ng bagong sigla sa mga mata mo at mag aalis ng pamamaga.

Patatas para sa pamamaga ng mga mata

Alam mo ba na ang patatas ay may taglay na sangkap na nakapag aalis ng pamamaga? Oo, ang patatas ay nakapagpapabawas ng pamamaga na sanhi ng pagkaipon ng tubig sa ilalim ng tubig. Magpalamig ng patatas sa pamamagitan ng paglagay nito sa refrigerator. Hiwain ito bilang maninipis na bilog. Ipatong ang hiniwang patatas sa mga mata mi habang nakahiga sa loob ng 20 minuto. Mapapansin mo na mababawasan ang pamamaga ng mata mo kapag inalis mo na ang mga patatas.

Gatas para sa eyebags

Kung normal na sayo ang pagkakaroon ng namumugtong mata pagkagising mo sa umaga, ang gatas ang isa sa pinakamagandang solusyon sa problema mo sa eyebags. Ang gatas ay makakatulong na palamigin ang iyong pagod na mga mata. Ito ay nakakabawas din ng pagkakaipon ng tubig sa mga tissue sa ilalim ng iyong mga mata.

Kumuha ng dalawang piraso ng bulak na ginawang parang pad at isawsaw ito sa pinalamig na gatas. Ipatong ito sa mga mata mo at magpahinga sa loob ng 20 – 30 minuto. Banlawan ito ng malamig na tubig. Makikita moa ng malaking pagbabago sa mga mata mo. Ulitin ito pagkaraan ng ilang araw kung napapansin mong bumabalik nanaman sa dati ang pamamaga.

Vitamin E para sa eyebag

Ang bitamina E ay kailangan ng ating balat para maging maganda at masigla. Ang paglalagay ng vitamin E lotion sa balat ay makatutulong na panatilihing malusog ang balat sa palibot ng mata mo. Pwede mong subukan ito: Maghalo ng ilang patak ng vitamin E oil (meron nito ang mga nabibiling vitamin E pills) sa isang mangkok ng tubig. Haluing mabuti. Kumuha ng bulak at isawsaw ito sa tubig na hinaluan ng vitamin E oil. Hayaang nakapatong ang bulak sa mata mo sa loob ng 20 minuto para mabawasan ang pamamaga ng balat sa paligid ng mata.

Puti ng itlog para sa eye bag

Ang puti ng itlog ay may kakayahang humigop ng tubig at mag alis ng pamamaga sa katawan. Ito ay isang natural na lunas sa pamamaga sa katawan. Maaari itong gamiting pang alis ng mga naipong tubig sa ilalim ng iyong mga mata. Magbate ng puti ng itlog. Ilagay ito sa palibot ng mata sa loob ng 20 minuto o higit pa gamit ang malambot na tela o makeup brush. Banlawan ang mukha ng malamig na tubig. Mapapansin mo na ang balat sa paligid ng mata mo ay hindi na gaanong namamaga pagkatapos nito.

Paano mawala ang eyebags: magpalamig ng kutsara

Pag dating sa mga pamamaraan kung paano mawala ang eyebags, ang kutsara na siguro ang pinaka madaling makuha. Kumuha ng isang basong tubig na galing sa ref at apat na stainless na kutsara. Ilagay ang kutsara sa baso na may malamig na tubig. Kunin ang unang dalawang kutsara at ilagay ito sa mga mata mo. Ang lamig na nasa kutsara ay siayang magpapakipot sa mga ugat na daanan ng dugo na nasa palibot ng mata. Makakabawas ito sa pamamaga na nararanasan mo. Gamitin ang dalawang kutsara na natitira pag hindi na masyadong malamig ang dalawang nauna. Ibabad uli ang mga kutsa. Ulitin ang pamamaraang ito hanggang makita mo na hindi na gaanong namamaga ang mga mata mo.

Paghihilamos para sa eyebags

Ito ay ang pinakasimpleng paraan para mawala ang eyebags. Kadalasan, ang pamamaga ng mga mata ay sanhi ng pagkakaipon ng tubig sa balat na nakapaligid sa mga mata dahil sa mahinang sirkulasyon ng dugo. Maaari mong ibalik o pasiglahin ang sirkulasyon ng dugo sa pamamagitan ng paghihilamos ng malamig na tubig sa namamagang mata at sa mukha sa pangkalahatan. Ang paghihilamos ng malamig na tubig ay nakatutulong upang maisaayos ang sirkulasyon ng dugo sa mukha at maalis ang naipong tubig sa ilalim ng mata.


ad

KATULAD NA MGA ARTIKULO