Tips Para Gumanda 

Natural Na Mga Paraan Kung Paano Mawala Ang Pimples

Ang pimples ay isang normal na kondisyon ng balat na nakakaapekto sa balat ng maraming tao, lalong lalo na sa mga kabataang nagdadalaga o nag bibinata. Ang pimples ay pamamaga ng balat dahil sa pag kakaroon ng impeksyon sa sebaceous gland o ang glandulang nag kokontrol sa langis na nasa balat.Kapag ang glandulang ito ay nainfect ng bacteria, ito ay mamaga at mapupuno ng nana.

Ang sobrang pagpalabas ng langis ng oil gland ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng pimples o tagyawat. Ang pimples ay kadalasang tumutubo sa mukha, leeg, likod at balikat. Bagaman ang pagkakaroon ng pimples ay hindi naman isang seryosong sakit, ang pimples ay maaaring ikahiya ng mga mayroon nito lalo na ng mga kabataan.

Maraming produktong ipinakikita sa TV na nakakaalis daw ng pimples. Subalit ang mga produktong ito ay mahal at madalas, matagal na umipekto. Pag usapan natin ngayon ang mga pamamaraan kung paano mawala ang pimples na maaari mong gawin sa loob ng bahay.

Gumamit ng yelo para sa pamamaga ng tagyawat

Ang yelo ay kilalang lunas sa pamumula at pamamaga ng balat. Ito ay maaari ding gamitin na pang alis ng pamamaga ng tagyawat. Ang yelo ay nakakatulong para ayusin ang sirkulasyon ng dugo sa apektadong bahagi ng balat. Pinakikipot din nito ang mga pores at inaalis ang mga langis at dumi na naipon sa balat. Sa paggamit ng yelo para maaalis ang tagyawat, pwede kang gumamit ng ice cube o crashed ice, depende sa kung ano ang mas madali para saiyo.

Magbalot ng yelo sa kapirasong tela at ipatong ito sa balat na may pimples sa loob ng ilang sandali. Maghintay ng ilang minuto at ulitin muli ang proseso.


Ads

Makikita mo na naaalis ng yelo ang pamumula at pamamaga ng tagyawat.

Kalamansi panlaban sa pimples

Ang isa pang mabilis na paraan para maalis ang pimples ay ang paggamit ng katas ng kalamansi, na mayaman sa vitamin C. Ang katas ng kalamansi ay makatutulong para mas mabilis na matuyo ang pimples. Siguraduhing natural na kalamansi ang gagamitin mo. Sa ibang bansa kasi, uso na ang kalamansi juice nan aka bote, ito ay hindi maganda dahil sa preservatives na taglay nito.

May dalawang paraan para magamit ang kalamansi na pang tanggal sa pimples.

Isawsaw ang cotton buds sa katas ng kalamansi at ilagay ito sa tagyawat bago matulog sa gabi.

Pwede mo namang paghaluin ang isang kutsarang katas ng kalamansi sa isang kutsaritang cinnamon powder at ipahid ito sa pimples at hayaan ng magdamag. Hugasan ito ng mabuti ng maligamgam na tubig pagkagising mo sa umaga. Tandaan: hindi ito pwede sa mga taong may maselang balat.

Paano mawala ang pimples: Gumamit ng toothpaste

Ang toothpaste na ginagamit mo tuwing umaga para linisin ang ngipin mo ay pwede rin palang gamitin panggamot sa pimples. Ito ay napakaepektibong gamitin bilang sunod sa paggamit ng yelo. Sa paggamit ng toothpaste panggamot sa tagyawat, piliin mo yung putting toothpaste hindi yung parang gel.

Maglagay ng putting toothpaste sa apektadong bahagi ng balat bago matulog sa gabi. Sa umaga, banlawan mo ng maayos ang bahagi na pinaglagyan mo ng toothpaste. Makikita moa ng malaking pagbabago sa pamamaga at pamumula ng pimples mo.

Kung gusto mo, pwede mong ulitin ang prosesong ito sa umaga. Siguraduhin mo lamang na ang toothpaste ay hindi mahuhulog mula sa mukha mo ng hindi bababa ng kalahating oras.

Gumamit ng singaw para sa pimples

Ang paggamit ng singaw ay maganda sa balat sa kahit anong pagkakataon, lalo na kung pinoproblema mo ang pagkakaroon ng tagyawat. Ang singaw ay siyang magbubukas ng iyong baradong pores. Ito ay makatutulong para matanggal ang sobrang sebo sa balat, dumi at bakterya na maaaring nakabara sa mga butas ng balat na nagiging sanhi ng impeksyon at pamamaga.

Kumuha ng isang malaking lalagyan at punuin ito ng kumukulong tubig. Hayaang tamaan ng singaw na galing sa mainit na tubig ang mukha mo sa loob ng ilang minuto.

Maghilamos ka ng maligamgam na tubig. Patuyiin ang mukha at maglagay ng moisturizer.

Bawang para sa tagyawat?

Opo, bukod sa gamit ng bawang sa kusina, ito ay may antiviral, antibacterial, antifungal at anti-oxidant properties din na nakatutulong na mawala agad ang pimples. Ang sulfur o asupre na nasa bawang ang siyang dahilan kung bakit nakagagamot ito ng iba’t ibang mga sakit sa balat kasama na ang pimples.

Hatiin ang isang piraso ng bawang sa dalawa. Ikuskos ang bawang sa pimples at hayan ng limang minuto bago hugasan ng maligamgam na tubig. Ulitin ng ilang beses sa isang araw.

Ang pagkain ng isang piraso ng bawang araw araw ay makatutulong din na linisin ang iyong dugo. Pero tandaan na masama naman ang sobrang pagkain ng hilaw na bawang dahil pwede nitong sugatan ang iyong sikmura.

Pwede bas a pimples ang baking soda?

Ang baking soda ay isa pa sa mga pwede mong hanapin para masolusyonan ang problema mo sa balat tulad ng pimples dahil ito ay nakatutulong na linisin ang balat at alisin ang sobrang sebo at mga dead skin cells.

Gumawa ng isang makapal na paste gamit ang isang isang kutsarita ng baking soda na hinaluan ng tubig o kaya ay katas ng kalamansi. Hugasang mabuti ang mukha at hayaan itong mamasa masa. Lagyan ng baking soda paste ang lugar kung saan may tagyawat at hayaan itong matuyo sa loob ng ilang minuto. Huwag mong hayaang magtagal masyado ang baking soda sa mukha mo dahil pwede itong maging sanhi ng pagkatuyo at skin irritation. Banlawan mo ng maligamgam na tubig ang balat mo pagkatapos. Ulitin ang prosesong ito ng dalawang beses kada araw para sa mas magandang epekto.

Honey para sa tagyawat

Ang honey ay naglalaman ng natural na mga pamatay mikrobyo na maaaring magpabilis ng pag galing ng tagyawat, at nakakatulong ito na makaiwas sa mga impeksyon sa balat.

Isawsaw ang isang cotton bud sa honey at direkta itong ipahid sa balat na may pimples. Hayaan ito sa loob ng kalahting oras. Banlawan ang balat ng maligamgam na tubig. Gawin ito ng ilang ulit araw araw.

Pwede mo namang ihalo ang honey sa cinnamon powder para makagawa ka ng malapot na paste at ipahid ito sa balat na may pimples bago matulog sa gabi. Mapapansin mo nap ag gising mo sa umaga, wala na ang pamamaga at pamumula. Hugasan ng maayos ang balat gamit ang malamig na tubig.


Ads

KATULAD NA MGA ARTIKULO