Tips Para Gumanda 

Mga Tips Para Magkaroon ng Magandang Pilik Mata

Ang pilik mata ay madalas ding napapansin ng mga tao tulad din ng mismong mga mata. Kaya, ang magagandang pilik mata ay kasama rin sa mga kahilingan ng karamihan sa mga babae ngayon, kahit na dito sa atin sa Pilipinas.

Pag-usapan natin ngayon ang tips na maaari mong gawin para magkaroon ka ng magandang pilik mata.

Alisin ang makeup sa mata bago matulog

Ang makeup ay isa sa pangunahing mga dahilan ng pagbabara ng mga pores sa balat na nasa palibot ng mata, lalo na kung gumagamit ka ng makapal na mascara sa pilik mata. Ang pag-alis ng makeup sa mata sa gabi ay nagbibigay sa mga pilik mata mo ng pagkakataong makapagpahinga. Tandaan na kailangan mong maging maingat sa paglilinis nito. Kung hindi mo iingatan ang paglinis ng iyong mga pilik mata, malamang na masira ito at dumating sa punto na hindi ito tumubo ng maayos tulad ng dati. Ang mga pilik mata ay mas mabagal na tumubo kumpara sa mga buhok sa ulo, kaya hindi mo gugustuhin na masira kung anuman ang nasa saiyo na ngayon.

Gupitan ang mga pilik mata

Ang regular na paggupit sa mga pilik mata ay epektibong paraan para magkaroon ng maganda at kaakit akit na pilik mata. Maaari mo itong gawin ng isang beses sa loob ng dalawa o tatlong buwan. Gupitan ito ng kaunti, mga 25% nito. Ang paggupit sa mga pilik mata ay makapag iistimulate ng iyong mga hair follicles kaya ito ay tutubo ng mas mabilis at mahaba.

Babala: Huwag itong gagawin ng mag-isa, magpatulong sa isang beautician.

Mga pagkaing nakapagpapaganda ng pilik mata

Para magkaroon ng maganda at kaakit akit na mga pilik mata, kailangan mong kumain ng tamang mga pagkain para masuportahan ng iyong katawan ang pagtubo ng iyong mga pilik mata. Ang tamang dami ng protina at malusog na mga fats ay kailangan para maging malusog ang pagtubo ng iyong mga buhok kasama na ang pilik mata. Narito ang ilan sa mga pagkaing kailangan sa pagkakaroon ng malusog at magagandang pilik mata.

  • Mga prutas tulad ng mansanas, kalamansi, lemon, dalandan, manga, bayabas at iba pa.
  • Mga gulay tulad ng petchay, repolyo, broccoli, cauliflower, kamatis at iba pa
  • Protina tulad ng itlog, laman ng karne, isda, keso at gatas.

Kung gusto mong pumayat, huwag mong gutumin ang sarili mo sa pamamagitan ng maling pagdiyeta. Kumain ng sapat at magkaroon ng regular na ehersisyo sa pamamagitan ng paggawa nito sa gym o simpleng mabilis na paglakad

Masahihin ang mga mata

Ang pagmamasahe ng marahan sa mga mata kasama na ang mga pilik mata ay makakatulong na magkaroon ng tamang sirkulasyon ng dugo ang mga hair follicles na nasa mata. Maipamamahagi rin nito ang natural na mga langis. Gawin mo ito ng regular araw-araw.

Tandaan na ang pinakamabisa at ligtas na paraan ng pagkakaroon ng malusog at magandang pilik mata ay ang pagkain ng tamaat paggamit ng natural na mga pamamaraan. Kung gagamit ka ng komersyal na mga produkto, tiyakin na ang mga ito ay gumagamit ng natural na mga sangkap na hindi makasisira sa iyong mga pilik mata.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Mga Tips Para Magkaroon ng Magandang Pilik Mata
1 (20%) 1 vote

Katulad na mga Artikulo

Spread the love
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

KATULAD NA MGA ARTIKULO