Tips Para Gumanda 

Ano Ba Ang Mabisang Pampakapal Ng Buhok

Kung binabasa mo ang artikulong ito, malamang na isa ka rin sa milyon milyong tao sa mundo na namomroblema dahil sa manipis na buhok. Kapag nakakakita ka ng mga model at artista sa TV, nangangarap ka rin na magkaroon ng makapal at matibay na buhok. Bagaman ang uri ng iyong buhok ay kadalasang namamana sa mga magulang, marami namang paraan na pwede mong gawin para mapakapal at mapaganda ang iyong buhok.

Tandaan na ang pagkakaroon ng magandang buhok ay hindi lamang basta bigay Diyos o namana mo sa mga magulang mo. May mga salik na nakaiimpuwensya sa kondisyon ng iyong buhok. Iyana ng dahilan kung bakit ang mga taong interesado na mag paganda ng kanilang buhok ay kailangang maging makaalam kung anong mga bagay o gawain ang pwedeng sumira at magpanipis sa buhok at kung paano ito magagawan ng paraan.

Ano ba ang dahilan ng pagnipis ng buhok?

Bago natin pag usapan ang mga paraan kung paano gumanda ang buhok, talakayin muna natin kung bakit manipis ang buhok mo. Ang pagnipis ng buhok ay maaaring sanhi ng iba’t ibang dahilan. Ang pangkaraniwang sanhi ng pagnipis ng buhok ay ang mga sumusunod:

  • pagbabago sa dami ng isang partikular na hormone
  • pagkakaroon ng allergy
  • paggamit ng isang produkto sa buhok na hindi naman hiyang saiyo
  • hindi malusog na diyeta
  • sobrang pagkabilad sa araw
  • pagkahantad sa polusyon
  • pagtanda
  • stress

Maging anuman ang dahilan ng pagnipis ng iyong buhok, kailangan mo munang malaman kung ano ang pinaka dahilan kung bakit nalalagas ang buhok mo, at kung maaari, gawan mo ng paraan na maitama kung anuman ang dahilan ng pagnipis ng buhok mo. Kapag nahanap mo na ang sanhi, maghanap ka na nang paraang pampaganda ng buhok mo.

Natural na pampakapal ng buhok

Ang pinaka maganda at epektibong paraan kung paano gumanda ang buhok ay ang paggamit ng natural na mga pamamaraan. Iwasan ang pagkukulay ng buhok o kaya naman, limitahan ang paggawa nito. Ang mga kemikal na nasa pangkulay ay nakakasira ng buhok sa paanuman. Kung ikaw ay hindi komportableng hindi bago ang kulay ng iyong buhok, kailangan mong gumamit ng hair mask para mabawasan ang pinsala ng pagkulay.


Ads

Narito ang ilan sa mga natural na pamamaraan na pwede mong gawin para kumapal agad ang buhok mo.

Itlog pampakapal ng buhok

Ang regular na protein treatment ay kailangan para magkaroon ka ng matatag at mas makapal na buhok. Para sa treatment na ito, ang itlog ang pinaka mahusay at murang sangkap.

Kumuha ng isa o dalawang itlog, depende sa haba ng iyong buhok. Batihin ng maayos ang itlog. Ipahid ang itlog sa basang buhok at hayaan ito sa loob ng 30 minuto. Banlawan ang buhok ng maligamgam na tubig gamit ang paborito mong shampoo. Gawin ang treatment na ito ng isa o dalawang ulit kada linggo.

Pwede mo namang subukan ito. Kunin ang kapulahan ng itlog, haluan mo ito ng isang kutsara ng virgin coconut oil at isang kutsarang tubig. Haluin ito ng mabuti at imasahi sa buhok. Gawin ang pamamaraang ito bawat linggo para sa mas makapal na buhok.

Olive oil – pampaganda ng buhok

Ang olive oil ay kilalang gamit sa pagluluto ng masasarap at malulusog na putahe. Pero alam mo ba na kaya ka ring bigyan ng olive oil ng maganda at makapal na buhok? Oo! Ang olive oil ay nakakatulong din para mapalambot ang iyong buhok.

Masahihin ng mainit-init na olive oil ang buhok kasama na ang anit at hayaan ito ng mga 35 hanggang 45 minuto. Banlawan ito ng mabuti gamit ang paborito mong shampoo. Pwede mo ring hayaan na nakalagay ito sa buhok mo ng magdamag at banlawan ito kinabukasan.

Pwede mo namang subukan ang olive oil at honey. Paghaluin ang magkasingdami ng olive oil at honey at ilagay ito sa buhok mo. Hayaan ito sa loob ng 30 minuto at banlawan ng mabuti.

Gawin ang alinman sa mga pamamaraang ito ng isa o dalawang beses kada linggo.

Paano gumanda ang buhok: Abokado

Pwede ka ring gumamit ng abokado para kumapal ang iyong buhok. Ang abokado ay isang moisturizer at nakapagpapatibay ng buhok. Ang vitamin E na nasa prutas na ito ay nakapagbibigay ng sigla sa buhok.

Kumuha ng isang abokado, isang saging at isang kutsarita ng olive oil. Dikdikin ito ng maigi at imasahe sa buhok hanggang sa anit. Hayaan ng 30 minuto para maabsorb ng anit ang mga nutrients. Banlawan gamit ang paborito mong shampoo. Gawin ito ng isang beses kada linggo.

Aloe vera – kilalang pampaganda ng buhok

Ang aloe vera ang tinaguriang reyna ng herbal na gamot para sa balat at buhok. Tama, ang aloe vera ay kilalang pampakal ng buhok dahil sa kakayahan nitong imoisturize ang iyong anit. Ibinabalik din ng aloe vera sa ayos ang konsentrasyon ng pH sa anit.

Kunin ang gulaman ng nasa dahon ng aloe vera at ikuskos sa anit. Hayaan ito sa ulo ng 30 minuto bago magbanlaw ng buhok gamit ang maligamgam na tubig.

Gawin ito ng dalawang beses bawat linggo.

Pwede mo namang paghaluin ang aloe vera at gata ng niyog. Maghalo ng aloe vera at gata ng niyog at ilagay ito sa anit. Hayaan ito ng mga kalahating minuto banlawan ang buhok gamit ang shampoo. Ulitin ito ng isa o dalawang beses kada linggo.

Subukan din ang pag inom ng aloe vera juice araw araw para sa mas magandang buhok at kalusugan.

Paano ba maiiwasan ang pagnipis ng buhok?

Baka natutukso ka na gumamit ng blow dryer at pangkulot para madagdagan ang ganda ng iyong buhok sa araw araw na pagpasok mo sa school o sa trabaho. Pero alam mo na ang sobrang paggamit ng ganitong mga kasangkapan ay nakasisira ng buhok? Dahil sa pagiging marupok ng buhok sanhi ng sobrang paggamit ng plantsa o iba pang kasangkapan sa buhok, baka magsisi ka kapag napansin mong manipis na pala ang buhok mo. Kaya bago ka gumamit ng ganitong mga kasangkapan, pag isipan mo muna ang pwedeng maging resulta nito saiyo.

Pangalagaan ang buhok

Araw-araw na nahahantad sa mapanganib na UV rays, polusyon at pagkatuyo ang iyong buhok. Bagaman hindi mo naman lubusang maiaalis ang posibilidad na mahantad sa masamang mga elemento ang iyong buhok, may magagawa ka para mabawasan ang ganitong mga panganib hanggang sa maaari.

Kapag mainit ang panahon, mag suot ka ng sombrero para maingatan sa pagkabilad ang iyong buhok. Ganyan din ang gawin mo sa panahon na mahangin at sobrang lamig. Ang sombrero ay proteksyon din laban sa polusyon lalo na kung ikaw ay nakatira sa lungsod. Iyana ng simple ngunit epektibong mga pamamaraan kung paano gumanda ang buhok mo.


Ads

KATULAD NA MGA ARTIKULO