Anu-ano Ang Mabisang Gamot na Pampaputi ng Ngipin?

Madilaw na ngipin kahit bagong toothbrush? Isa ka ba sa mga nakakaranas ng ganitong problema? Ang artikulong ito ang sagot sa mga katanungan mo! Punong puno ito ng mga kaalaman patungkol sa kung bakit may mga ngipin na hindi maputi, ano ba ang sanhi nito, at kung ano ba ang solusyon na pwedeng gawin para mapaputi ang ngipin.

Ano ang sanhi ng hindi maputi o madilaw na ngipin?

Ayon sa mga eksperto, merong iba’t ibang uri ng ngipin at karaniwan sa mga ito ay ang white teeth at yellowish teeth. Nagtataka ka ba kung bakit kakatapos mo pa lang mag toothbrush ay madilaw pa rin ang ngipin mo. At kahit anong uri ng toothbrush at toothpaste pa ang gamitin ay tila wala ring pagbabago. Huwag kang mag alala dahil sadyang may mga taong hindi maputi at madilaw ang ngipin, yellowish teeth ang tawag ng mga doktor dito.

Ang tanong, ano ba ang sanhi ng hindi maputi at madilaw na ngipin? Maaari bang maging madilaw ang dating maputing ngipin? Upang magkaroon ka ng ideya narito ang ilan sa mga sanhi ng pagkakaroon ng madilaw na ngipin.

  • Genetics o nasa lahi ng pamilya – Katulad nga ng nabanggit sa unang bahagi ng artikulong ito. May mga ngipin na talagang sadyang hindi maputi at ito rin ay namamana. Pero huwag mag-alala, alam mo bang mas matibay ang yellowish teeth kumpara sa mga mapuputing ngipin? At pinapatunayan rin ito ng mga dalubhasa.
  • Pagkain ng mga mamantsang pagkain – Isa rin itong sanhi ng paninilaw ng ngipin at kapag napabayaan ito at hindi nilinis kaagad ay maaaring mauwi sa permanenteng pagmantsa sa ngipin.
  • Kapabayaan sa sarili – Isa ito sa pinaka common na sanhi ng paninilaw ng ngipin. Lalong lalo na sa panahon ngayon na sobra na ka-busy ang mga tao at hindi na nila masyadong nabibigyan ng panahon ang maayos na paglilinis sa ngipin. Idagdag mo pa ang tumitinding kahirapan na para sa mga mahihirap nating mamamayan, mas pipiliin na lamang nila na bumili ng pagkain kaysa magandang toothbrush at toothpaste.
  • Pagtanda – Pansin mo ba sa mga matatanda ang pagbabago ng kulay ng kanilang mga ngipin? Bukod sa kadalasang mabilis na itong masira at mabulok, hindi na rin ito kasing tatag ng dati. Dahil ito sa pagtanda ng tao. Nababawasan ang taglay na calcium ng mga ngipin kung kaya’t naninilaw, nasisira at nabubulok ang mga ito.
  • Paninigarilyo – Ang paninigarilyo ay isa ring sanhi ng paninilaw ng ngipin. Ang sangkap na tabako ng sigarilyo ay nagiiwan ng mansta sa ngipin. Ang mga mantsang ito ay sumisiksik rin sa mga maliliit na butas ng ngipin at lalong lalo na sa mga pagitan ng ngipin. Ang patuloy na paninigarilyo ay maaaring mauwi rin sa tuluyang pagkasira ng ngipin.
  • Paginom ng kape at iba pang fruit juice – Ayon sa mga doktor, anumang nakakamantsa sa damit ay nakakapagmantsa rin sa ngipin.

Ngayong alam mo na ang iba’t ibang sanhi ng paninilaw ng ngipin, alamin naman natin ang mga gamot na pampaputi ng ngipin. Gusto mo na bang malaman? Magpatuloy lamang sa pagbabasa mo!

Pampaputi ng ngipin: Natural na solusyon na pampaputi ng ngipin (Home remedies)

Para sa mga pinoy, lalong lalo na sa mga karaniwang mamamayan, mas praktikal at mas maganda pa rin ang maghanap ng gamot sa natural na pamamaraan. Likas sa mga pinoy ang pagiging matipid kung kayat kadalasang pinanghihinayangan ang pagbitiw ng pera kung magpapatingin sa isang dentista. Isa ka rin ba sa mga tinutukoy ko? Naghahanap ka rin ba ng murang gamot na pampaputi ng ngipin ngunit kapos sa budget? Basahin ang mga alternatibong solusyong ito:

 

  • Kumain ng pagkaing mayaman sa calcium – Ang pagkawala ng kinang ng ngipin ay sanhi ng tooth discoloration. Sanhi rin nito ng pagkawala ng enamel na nagpapalabas sa dentin na nasa ilalim nito. Dilaw ang kulay ng dentin. Ang solusyon, kumain ng mga pagkaing mayaman sa calcium katulad ng gatas, keso, at broccoli.

 

  • Iwasan ang mga pagkaing matatamis – Kung gusto mong magkaroon ng maputi at kumikinang ngipin, simple lang ang gawin mo, iwasan ang madalas na pagkain ng matatamis katulad na lamang ng chocolate at cakes. Ang madalas na pagkain ng mga ito ay nagiging sanhi ng growth ng Streptococcus mutans bacteria, ang primary type ng bacteria na nagdudulot ng plaque at gingivitis.
  • Kumain ng Pineapple o pinya – Ayon sa mga eksperto, and pagkain ng pinya ay nakakapagpaputi ng ngipin. Ang pinya ay may taglay na enzyme na kung tawagin ay bromelain. Ito ay nadiskubre ng mga eksperto na mahusay sa pagpapaputi ng ngipin ng tao.
  • Kumain ng Strawberries – Ang prutas na ito ay may taglay na malic acid na nakakatulong sa pagalis ng discoloration sa ngipin.
  • Lemon o balat ng orange – Ang mga citrus fruits na kagaya ng lemon at orange ay may taglay na acid na napatunayang mabisang pampaputi ng ngipin. Paano ba ito gamitin? Kunin ang lemon o orange peel, ikaskas sa ngipin sa loob ng isa hanggang dalawang minuto at saka magmumog ng tubig. Gawin ito tatlong beses sa isang linggo para sa mas epektibo at mabilis na resulta.
  • Apple cider vinegar – Ang apple cider vinegar ay matagal nang ginagamit bilang disinfectant at natural cleaning product. Ang acetic acid na main active ingredient ng apple cider vinegar ay epektibong pumapatay ng bacteria. Ang antibacterial property ng vinegar ang naglilinis ng iyong bibig at nagpapaputi ng iyong ngipin.
  • Gumamit ng whitening toothpaste – Isa pang simple ngunit mabisang paraan na pampaputi ng ngipin. Higit sa lahat, ugaliin ang regular na pag toothbrush upang mapangalagaan ang mga ngipin.

Ngayong alam mo na ang ilan sa mga pampaputi ng ngipin na pwede mong gawin sa bahay, alam mo bang may isa pang home remedy na naiiba sa lahat ng nabanggit sa itaas? Gusto mo bang malaman? Ipagpatuloy lamang ang pagbabasa mo!

 

Pampaputi ng ngipin? Gumamit ng baking soda!

Ang baking soda ay hindi lang gamit sa pagawa ng tinapay. Alam mo bang isa ito sa pinaka mahusay na pampaputi ng ngipin? Marami na rin ang mga nagpatunay na gumamit nito, at maging mga doktor ay sumasangayon sa pagamit ng baking soda sa ngipin. Alam mo bang maging mga artista na may sapat na pera ay gumagamit rin ng baking soda sa kanilang mga ngipin. Ang baking soda ay mayroong natural whitening properties kaya popular itong ingredient sa mga commercial toothpastes. Dahil may kaunting kagaspangan ang texture nito, nakakatulong ito sa pagsa-scrub at pag-alis ng mga mantsa sa ngipin. Lumilikha rin ng alkaline environment ang baking soda sa bibig na nakakapigil sa pagdami ng bacteria.

Sa katunayan, hindi lang  ito nakakapagpaputi, natatanggal rin nito ang mga nakadikit na dumi sa ngipin na nagiging sanhi ng bad breath. Dahil sa pagamit nito, mas nagiging makinang, matatag, malusog at mahaba ang buhay ng mga ngipin.

Gusto mo bang subukan ito? Kung ganun, magpatuloy sa pagbabasa at alamin mo kung paano ang wastong pagamit ng baking soda sa ngipin.

  • Magmumog ng tubig na may baking soda – Maglagay ng isang kutsarita ng baking soda sa isang basong maligamgam na tubig at gawin itong pang mumog matapos kumain. Pwede rin itong gawin bago matulog at pagkagising. Gawin ito araw-araw at tinitiyak ko na magkakaroon ka ng kumikinang na ngiti sa kaunting panahon.
  • Gumamit ng baking soda pag toothbrush – Opo! Ang direktang pagamit ng baking soda sa ngipin ay mas epektibo at napatunayan na rin ito. Maging ang sikat na doktor dito sa Pilipinas ay inirekomenda ang pagamit nito. Maglagay lamang ng kaunting baking soda sa ibabaw ng toothpaste. Gawin ang prosesong ito sa loob ng tatlo hanggang limang araw hanggang sa pumuti ang ngipin. Tandaan lamang na huwag itong isagawa ng pangmatagalan.
  • Pwede rin paghaluin ang isang kutsarita ng baking soda sa dalawang kutsaritang tubig. Matapos nito, isipilyo ang paste sa ngipin ng hindi hihigit sa dalawang minuto. Gawin ito ng every other day sa loob ng dalawang linggo. Maaari nang isa hanggang dalawang beses na lang kada linggo pagkatapos.

Ngayong alam mo na ang magandang epekto ng baking soda sa ngipin at kung paano ang wastong pagamit nito, alamin pa natin kung ano pa ang ibang solusyon o gamot na pampaputi ng ngipin.

Pampaputi ng ngipin: Magpatingin sa isang Dentista

Kung ang lahat ng nabanggit sa itaas ay hindi pa rin umipekto sa kaso mo, mas makakabuti na ang regular na mag patingin sa isang eksperto sa ngipin o dentista. Sa paraang ito, masusuri ka ng doktor at mas mabibigyan ka ng kaukulang payo o solusyon sa iyong problema. Ang problema lang, medyo may kamahalan ang ganitong proseso at mahihirapan ang mga ordinaryo nating mamayan. Ngunit kung iisipin, mas nakakasigurado kang magbubunga ito magandang resulta. Dahil naniniwala akong mas malawak pa rin ang alam ng eksperto o mga dentista pagdating sa mga usaping ito.

Tandaan lamang, ang paghangad na magkaroon ng maputing ngipin ay hindi masama. Sino ba naman ang ayaw na magkaroon ng tinatawag na killer smile. Ngunit pakatandaan na lagi dapat idaan sa tamang proseso ang lahat ng bagay, lalo na kapag katawan na natin ang nakataya. Sa huli mas importante pa rin ang tamang pagaalaga sa sarili.

Gaano kapaki-pakinabang ang artikulong ito?

Anu-ano Ang Mabisang Gamot na Pampaputi ng Ngipin?
Rate this post

Katulad na mga Artikulo